12: Words Matter (part two)

291 32 21
                                    


Chapter Twelve - II
Words Matter

Nagtipon-tipon kami ngayon sa isang classroom sa main building na malapit sa gym, para kumpletuhin ang word puzzle na nasa harapan namin. Ang mga cards na kinolekta namin ay tila kulang pa. Kaya naman sa pangunguna ni Vincent, hinati niya muli ang mga grupo. Mayroong mga nakikipag-trade sa ibang section para mabigay sa amin ang mga white cards, mayroong mga nangaagaw ng cards, at mayroon ding mga sumasagot ng word puzzle na ito.

"Sean, magsalita ka naman, ang tahimik oh." Sabi ko kaya napatingin sa akin sina Lyka at Jovan na nasa kabilang long table na nagaayos rin ng cards at clues na nakuha.

Kung makatingin sila para bang sila ang nahihiya para sa inasta ko. Pero di ba close na kami ni Sean kaya okay lang na pagsalitaan ko siya ng ganito. Right?

"What am I, your entertainment?" Sa sinabi niyang yon ay napabagsak ang balikat ko. Kanina lang close kami pero ngayon hindi na ulit. Hayst.

Sinubukan kong mag-open ng topic pero may kumento na naman ito.

"We're not just participating here, we're playing to win." Mariing sabi nito habang inaaral ang mga cards.

"Why are you so obsessed with winning?" Hindi ako sinagot ni Sean kaya napabuntong-hininga ako.

"Wala yatang dila isa diyan." Pagpaparinig ko pa kaya sinamaan niya lang ako ng tingin pero nginitian ko siya... ng pilit. Is it that hard to answer me? Hay nako.

"Sup guys," Bati ni Vincent na kapapasok lang dito sa room. Tumayo ito sa pagitan namin si Sean at nakita kong dumistansya ng kaunti si Sean.

"And here's the guy who can't really speak." Bulong nito na parang sinadya niyang iparinig sa amin. Ano ibig niyang sabihin?

"Pinagsasasabi mo?" Masungit na tanong ni Vincent kay Sean, kaya ibinaba nito ang mga hawak niyang cards at tumingin kay Vincent.

"Are you done using your physical strength and decided to exercise your brain now?" Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko maiwasang mapanganga at ramdam kong ganoon din ang ekspresyon nila Jovan at Lyka na nasa katapat naming table.

"Sean that's too much-" Pagpipigil ko pero bigla na lang napahalakhak si Vincent.

"Lam mo Sean? Ang lakas talaga impluwensya ni Freya sayo." Hindi na lamang pinansin ni Sean si Vincent at nagpatuloy na lamang siya sa pagaayos ng clues.

"Ano nangyayari sa labas? Bakit mo sila iniwan doon?" Tanong ko kay Vincent kaya napatingin siya sa akin.

"Chels, kaya na nila Rylen yon, wag ka mag-alala. Magaling makipag-trade yon." Sabi nito, magtatanong pa sana ako pero humarap ito sa ginagawa ni Sean.

"What do we have here? Ooh interesting." Biglang dumampot si Vincent ng isang card sa table at tinignan iyon.

"Kailan ka pa naging interested sa cards?" Tanong ko.

"Since he play-" Magsasalita pa lang sana si Sean nang takpan ni Vincent ang bibig nito.

"Hey!" Galit na iwinaksi ni Sean ang kamay ni Vincent. Tumawa lamang ito habang si Sean ay halos sumabog na sa inis.

"Chelsea the third wheel." Napapailing na sabi ni Daixon na nakatayo na pala sa harapan naming tatlo. Bigla tuloy tinulak ni Sean palayo si Vincent, tapos agad na nagtago sa gilid ko ang galunggong na toh.

"Chelsea shield me!" Parang bata na sigaw ni Vincent.

"Shield me mukha mo." Dagdag ni Daixon, that's my line!

"Stop it you two! Parang hindi kayo magkapatid." Sabi ko na lamang.

"Behlat!" Mapang-asar na inilabas ni Vincent ang dila niya habang winiwiggle nito ang ulo niya.

School Life With YouWhere stories live. Discover now