16: All fun, until... (part II)

310 27 56
                                    


Chapter Sixteen - II
All fun, until...

|CHELSEA|

WHAT AM I GONNA DO?

Last night, Freya messaged Yohan using my Hi! account and said...

Me:

Yohan I think I have feelings for you, I love you.

*seen*

Bakit sineen niya lang ako? Bakit hindi siya nagreact? Pwede naman niya ako tawanan.... Or worse, pwede niya akong i-block. Bakit ganito Yohan? Do I deserve a silent treatment?

Napabuntong-hininga ako at nag-tipa na ng sasabihin dahil pwede ko nang i-reveal na dare lang yon. Yup, I'm true to my words. Pinanindigan ko talaga ang rule ni Freya na bawal pang sabihin na dare lang ito until our slumber party is over. Kahit na hindi niya na ito chineck pa to make sure I'm not cheating, I really did follow what she told me.

Me:

Hi, I'm sorry about last night. My classmate took my phone and send that message. It's actually a dare, but I couldn't do it so... I'm really sorry 😭

Yohan please don't block me and please talk to me.

Napabuntong-hininga akong muli at humigop na ng boba milk tea na nasa harapan ko. Isa pang nakakalungkot na pangyayari sa araw na ito ay hindi si Sean ang nag-abot ng dokumentong nasa table ko. (Hindi rin si Vincent kasi for sure busy yon kay Ara.) Kundi isa sa mga katulong nila. I feel bad dahil nautusan pa siya ng alaga niyang tinatamad daw na lumabas ng bahay.

Napa-iling na lamang ako at tinuloy ko na ang pagrereview. Simula na ng Academic Week bukas, pero ang Math quiz bee ay sa Sabado pa gaganapin. Para sa Monday to Friday, maglalaban-laban ang mga schools sa journalism, spelling quiz bee, history quiz bee, and robotics. Sa Sabado naman gaganapin ang Science and Math quiz bee. That's why, I'm gonna focus today and review.

Kinabukasan, excused kami sa mga klase namin dahil nirereview kami ni Ms. Mara. Nasa Math club room lahat ng mga representatives and subs mula Grade 7 to 10. Spacious doon, pero dahil maraming tao, iiwas na naman itong si Sean.

"Saan ka magrereview?" Tanong ko sa kanya nang makalabas kami sa room.

"Sa Bel." Tipid nitong sagot habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Huh? Pwede pumunta sa EA main campus kahit school hours natin?" Gulat kong tanong. Nandoon kasi ang Beleaguer House Mansion kaya nagtaka ako na pwede siyang lumabas eh closed gates kami dito sa campus.

"Just me." Sagot nito na hindi pa rin ako nililingon.

"Ang daya naman!" Reklamo ko.

"For sure you haven't read the documents I sent you." Tumigil sa paglalakad si Sean at humarap na sa akin kaya napatigil rin ako sa paglalakad.

Oh right, busy kasi ako sa pagrereview kahapon at nawala na sa isip ko na buksan yung binigay niya.

"Teka, how did you know?" Tanong ko. At saka anong connect non sa pwedeng paglabas niya ng campus kahit na closed gate kami?

"Coz you don't understand why I have free access in and out the campus whenever I like."

"Don't tell me..." Kusa akong tumigil para siya mismo ang magkumpirma na isa siya sa mga privilege kids dahil ang parents nito ay isa sa mga school board or something.

School Life With YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt