16: All fun, until... (part I)

291 29 84
                                    

Chapter Sixteen - I
All Fun, Until...

|Third Person's Point of View|

Tuwing slumber party ng Charm House, kadalasang girl's night ito. Pagpatak ng 8 pm, sisimulan na nila ang kanilang activities na aabot hanggang midnight. Mayroong mga nag-mo-movie marathon, nagpipinta ng kanilang mga daliri, nag-ti-tea party, nagme-makeup, nag-i-style ng hair, nagmi-mini fashion show, pictorial, at kung ano-ano pa.

"Hoy gaga! Ang scandalous naman ng cleavage mo!"

"Sorry ha kung wala ka nito."

"Takpan mo kasi! Iuupload ko toh eh!"

"Bakit ba, trip ko nga! My body, my rules hayaan mo mga makakakita."

"Girls, we are still minors, maybe we can apply the my body my rules if we turn 18." Nakangiting sabi ni Ariella kaya naman napatakip bigla ng skin ang kanyang kaklaseng babae.

"Finally, meron na rin siyang sinabi na agree ako." Bulong ni Shaira kila Chelsea at Violet.

"Same here." Sagot ni Violet habang nilalagyan ng blush on si Chelsea.

"Okay na yan mga bakla! Rampa na!" Anunsyo ni Kris.

"Ano ba tong pinasok ko, Lord." Napadasal na lang out loud si Chelsea dahil sa mga pinapagawa sa kanya. Natawa naman sina Shaira at Violet na pumilit sa kanya na maging model kuno sa ginagawa nilang fashion show.

Samantala, ang ganap naman sa boy's common room ay mayroong mga nag-momovie marathon, nagfofood trip, nagkukwentuhan tungkol sa mga multo, nakakulong lang sa kwarto na tulad ni Sean, at mayroon ding nakikipaglandian sa chatting site na pinangungunahan ni Vincent kasama si Rylen at iba pang boys.

"Hala ang cute ng girls sa Instagram stories nila kanina oh." Sabi ni Kier kaya napatingin doon ang mga boys na kasama nitong naglalaro ng ML sa phone.

"Ang pretty ni Pres!" Kumento pa nila Mike kaya napalingon si Vincent sa kanila.

"Hoy Albion, focus! Malapit ko nang makuha number niyan oh kaya galingan mo na dali." Pagbabawal ni Rylen saka pwersahang inilingon pabalik ang ulo ni Vincent sa laptop nito.

Nagpapatulong kasi si Rylen ng mga galawan kay Vincent para makuha ang number ng kachat nito sa Hi!. At dahil walang magawa si Vincent, tinulungan niya na ito.

"Rylen tignan mo nga IG stories ng girls... oh." Inabot ni Vincent ang phone nito kay Rylen habang nakafocus ito sa pakikipagchat sa harap ng laptop niya.

"Bakit? Titignan mo si Chelsea?" Tanong ni Daixon na naglalaro ng ML sa tabi nila.

"Ayieeee!" Pangaasar ng mga nakarinig.

"Psh! Checheck ko kung ayos lang ba si Ariella na kasama nila." Wika ni Vincent.

"Weh? Ariella ba talaga?"

"Bakit ang dami mo nilalandi boss Vincent? Sana all ganyan kagwapo."

"Si Ariella lang naman nilalandi ko ha." Kunot-noong sabi ni Vincent.

"WEH??" sabay-sabay na tanong ng mga boys na malapit sa kinauupuan niya.

Napailing lang si Vincent at nagpatuloy na lang sa pakikipagchat sa kachat ni Rylen hanggang sa nakuha na niya ang number.

School Life With YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora