15: I'm "not" a Charm (part two)

252 28 9
                                    


Chapter Fifteen
I'm (not) a Charm - II

| Still Violet |

"Vio, matutulungan tayo ni Daixon kaya isantabi mo muna yang pagiging boy hater mo ha." Ani Shaira nang hindi ako sumangayon sa kanila ni Chelsea sa paghingi ng tulong kay Daixon. Napabuga ako ng hininga at tumango na lamang.

Am I a boy-hater? Well, I just don't like them, but I don't "hate" them. Hate is a strong word.

Bakit "ayaw" ko sa mga lalaki? First of all, why do they smell annoying?! Hindi naman lahat ng lalaki may body odor... pero ang isang concern ko na karamihan sa kanila ay ganito... yung wagas silang magpabango! Ang sangsang kaya sa ilong ng mga matatapang nilang pabango! Naiiwan pa sa ilong yung amoy nila kahit na nakaalis na sa tabi mo yung nagpabango. Like please, let me breathe!

Ayaw ko rin sa kanila kasi they don't mind their manners, from the way they speak, eat, laugh, and everything! Wala ba silang hiya? Why can't they be prim and proper too? Nagtatanggal pa sila ng shirt kung saan-saan! Ang gugulo pa nila! Gustong-gusto pa nila ang nagpapalakasan physically, nagpapadamihan ng "chicks", at kung ano-ano pang bagay na feeling nila nagpapagwapo sa kanila. Kainis di ba? They're annoying.

But then I met Axel...

7th grade

"Excuse me! Excuse me!" I am pushing away all the boys in the gym locker. Nagpupunas sila ng pawis, nagtatanggal ng sapatos, nagpapalit ng damit, at kung ano-ano pa.

Ang sticky ng mga balat nila dahil sa pawis, nakakairita kapag dumikit sa balat ko coz some of them are not wearing their shirts!

"Witweew! Anong ginagawa mo dito miss?" Tanong nila pero inirapan ko lang sila.

I hate it when they whistle!!! Sarap nila tanggalan ng hangin/hininga.

"Naliligaw ka ba teh? o gusto mo lang titigan abs ko?" Tanong pa ng isa habang nakangisi at nagtawanan pa sila. Hindi ko lang sila pinansin at iginala ko na mga mata ko.

I think they're trying out for the basketball team that's why they're here, and maybe most of them are in my age.

Anyways, I looked at the photo on my phone to see once again the ID picture of Axel Atienza. Ma'am Lolly instructed me to find him here, since I don't know Axel, she suggested that I should take a pic of his ID, so I did.

I saw a side view of a guy fixing his locker and his sports bag, not minding the loud mouthed guys around me.

"Excuse me, are you Axel Atienza?" Tanong ko, agad naman siyang lumingon sa akin at inihinto ang pag-unload niya ng gamit mula sa kanyang sports bag.

"Yup, why?"

"Pinapatawag ka ni Ma'am Lolly, she wants you to meet her in the faculty room, ASAP."

"Okay." Sabi nito sabay tango. Tinuloy niya ang paglagay ng sapatos, towels, med kit, at kung ano-ano pa sa locker nito kaya napairap ako at naglakad na paalis doon. Di ko na kaya ang baho ng mga lalaki sa paligid! Ang sangsang sa ilong!

"Violet right?" Tanong bigla ni Axel kaya napaharap akong muli sa kanya. He's still putting his things on his locker but he's now quicker than before.

"Hintayin mo na ako, magsasapatos lang ako." Sabi niya nang maisara na nito ang locker niya.

"O-okay." Should I just say.... 'No thanks, I know the way.' or not? Wait! Why did I agree on waiting??

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon