18: The Underdogs (part I)

279 22 38
                                    

Chapter Eighteen - I
The Underdogs

| Chelsea's POV |

Ngayong buong linggo na ito ay exams week kaya naman huminto muna lahat ng sports training namin. Sa Thursday hanggang Friday pa ang aming exams kaya may tatlong araw pa kami bago magreview. Kasalukuyang nakatambay sa library ang iba naming mga kaklase para magreview, ang ilan ay narito sa room, at ang iba ay nasa garden. Kanya-kanyang lugar para hindi maistorbo. Kaya may pasok pa kami ay dahil sa drug test at ilang mga quizzes.

Sa entrance ng school ay mayroong mga k9 units at mga scanner na panghuli ng mga mayroong dalang drugs. Kabado ako para sa mga mahuhuli, at kabado din ako para sa mga hindi mahuhuli. Napabuntong-hininga ako at nag-concentrate na lamang sa nirereview. It's our free time dahil tapos na ang quiz namin sa subject na toh last week.

"Oyy Chelsea, kamusta naman kayo ng kachat mo? Ano na mga ni-drop niyang clues?" Tanong ni Shaira na handa talagang i-solve ang misteryo ni Yohan.

Binigay ko sa kanila ang mga listahan ng clues na ni-drop ni Yohan everyday since we chatted again after the quiz bee. Talagang sinulat ko iyon sa mini notebook ko na dedicated para lang sa pagiimbestiga kung sino si Yohan.

1) he doesn't like spicy foods (I love it)

2) he likes strawberries (me too)

3) their lunch time ends at 12:55 (our break ends at 1 pm)

4) he doesn't excel in arts lol (ako, sakto lang naman)

5) he doesn't know how to cook (I know some dishes)

6) he prefers to sleep with lights off (I kinda prefer to sleep with my lamp light on)

7) he likes night walks (okay lang naman sa akin hehe)

"Ohh, these clues are kinda hard to trace. Parang getting to know each other pa lang kayo." Kumento ni Violet.

"Yah, ilelevel up na daw namin this week." Natatawang sabi ko nang maalala ang ka-nerdy'an ni Yohan.

"Yung clues ha." Dagdag ko pa in a serious tone kasi nakatingin sila sa akin na parang hinuhusgahan ako.

"Mas bet ko pa rin si Sean for you." Wika ni Violet.

"Vincent lang malakas." Ayaw patalo na sabi ni Shaira.

"Anyways..." Pagsingit ko bago pa sila mag-away diyan.

"What?" Sabay nilang sabi nang lumingon sila sa akin.

"I think nandito talaga siya sa Empyrean Academy."

"Pano mo nasabi?" Tanong ni Shaira.

"Natandaan ko lang na nagkakasabay mga events ng school natin sa events nila." Pagkukwento ko.

"Baka nagkataon lang girl?" Sabi ni Violet.

"True. Minsan kasi kapareho ng school calendar natin ang sa Zidea or Buvlen." Sabi ni Shaira kaya napatango-tango ako.

"Pero paano yung Science book? Sabi niya noon, same kami. Pinahanap ko kay Vincent kung may kapareho ba tayo, tapos sabi niya wala. EA lang ang may ganoong Science book sa schools ng Dandelion City."

"Hmm... Baka nga taga dito siya. Pero sure ka bang hindi mo pa nakita mukha niya dito sa school?" Napapaisip na tanong ni Shaira kaya umiling ako.

"Sinubukan ko hanapin yung mukha niya sa mga ID na nakaregister as Grade 10, pero wala eh." As in kinalkal ko yung files ng buong Grade 10 para lang hanapin siya, pero wala talaga.

"Baka naman grade 9 siya?" Tanong ni Violet kaya umiling ako.

"He already told me he's a 10th grader." Sabi ko.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon