10: It's on, Albion (part one)

463 62 35
                                    

Chapter Ten - I
It's on, Albion

| Chelsea's POV |

Nasimulan na namin ang aming kampanya kahapon. Nakakapagod talaga maglibot sa EA dahil sa room to room ang campaign namin. Random ang pagpunta namin sa mga room dahil na rin magkakasabay sa pangangampanya ang iba't-ibang partylist. Halos nagkakasalubong nga kami sa mga buildings, nagbabatian naman kami, tanguan, ngitian, na para bang hindi kami magkakalaban sa mga posisyon na gusto naming pagtagumpayan.

Lima ang nabuong partylist ngayong taon kasama na ang tatlong pinakamalalakas, ito ay ang mga partylist ng Wise Republic, People's Choice, 789 Government, One Power, at Ace Troupe. Natapos na naming puntahan ang tig-lilimang section ng Grade 7 at Grade 8 noong Monday at Tuesday, ngayong Wednesday sa Grade 9 kami, Thursday sa Grade 10, at sa Friday na ang debate at election.

Science class namin ngayon at patungo kami sa Science laboratory dahil may i-oobserve daw kami through a microscope. As usual alphabetical order ang seating arrangement, so sa isang mahabang table, lima kaming naroon nila Sean, Gab, Spice, at Hajie na mga katabi ko. Share kaming lima sa isang microscope dahil poor daw ang EA. 

"Nakakainis naman! Bakit kasi sira pa yung sa atin!" Inis na reklamo ni Cloe na katabi ni Daix, nasa harapan namin sila kaya narinig ko ang hinaing nito.

"Rinig mo yon Ms. Pres? Kapag nanalo kayo ni Vincent pakisabi sa school management na kulang-kulang at sira na ang mga gamit dito sa Science lab." Sabi ni Gab sa akin, tumango naman ako. Actually, kahit hindi niya yan sabihin ay naisip na namin yan noong nagbrainstorming kami para sa mga platforms namin.

Ngayong may lumalapit na sa akin para magsabi ng hinaing nila, para bang sinasabi nila na ako na ang mananalo. Which is nakaka-pressure, but at the same time it really gave me hope and motivation to win.

"Yeah I will." Tumango ako at binigyan siya ng ngiti.

Ang taas ng tingin ng mga tao sa Empyrean dahil sa ratings nito at sa powerful na Senior high. Pero pagdating mo dito sa loob, marami talagang kulang. Kumbaga, ang bango ng image pero ang baho sa loob.

Inabot na sa akin ni Sean ang microscope kaya ako na ngayon ang sumisilip doon. Nakakaasar lang dahil nagmistulang art class ang Science subject namin, dahil pina-drawing sa amin ang cells na nakita namin. Wala man lang experiments o kung ano mang nakaka-excite na bagay ang first visit namin dito. Nang matapos ako sa pag-observe ay ipinasa ko na ang microscope kay Gab, hiramin ko na lang ulit kapag nakalimutan ko.

Napapansin kong napaka-bookish masyado ng Science teacher namin, kaya naman tinapatan ni Daixon ang pagiging bookish ni Ms Pearl. Habang busy ang mga ka row ni Daixon na nasa ibang grupo para manghiram ng microscope, nagsearch siya sa internet ng cell reference at iyon ang kinopya niya.

"Genius," napapailing na sabi ko habang nakangising pinapanood si Daixon na katapat ko. Napansin kong napatingin pa sa akin si Sean kaya naman hinarap ko siya.

"Si Daix, tignan mo kumopya na lang siya sa internet." Pangnguso ko sa tapat namin, inismiran lang ako ni Sean, at tinuon na ang atensyon sa pagdodrawing.

Kaya naman bumalik ang frustration ko sa subject na ito. Nakakainis kaya! Parang pumunta lang kami dito para sundan ang lesson plan ni ma'am na dapat gumamit ng microscope. Hay nako! Naiinis ako habang naglalagay ng shade sa drawing ko, malakas ang pagkaskas ng lapis ko sa bond paper kaya napa-click ng tongue si Sean at naglagay pa ng airpods sa tainga. Si Gab naman ay naka-earphones na kanina pa, si Spice may sariling mundo, at si Hajie... well tahimik. Kabaliktaran talaga ni ate Heather ang kapatid niyang si Hajie.

"Kapag nag-i-sketch ka dapat light lang ang pagkakahawak mo." Biglaang may humawak sa kamay ko kaya napalingon ako sa nakayukong lalaki na sobrang lapit na ng mukha sa pisngi ko habang gina-guide ako sa pagshade.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon