18: The Underdogs (part V)

246 24 92
                                    

Chapter Eighteen - V
The Underdogs

| Third Person's POV |

Tuloy-tuloy ang pagkapanalo at pagkatalo ng mga Corinthians sa iba't-ibang sports ngayong Intrams. Kahit na hindi nila masyadong gamay ang mga sports na yon ay sinasalihan pa rin nila dahil sayang ang mga puntos na makukuha.

Kasalukuyang nakakalamang ang Romans, sunod ang Corinthians, pangatlo ang Ephesians, at panghuli ang Galatians sa scoreboard ng Intrams. Kanya-kanyang kumento ang bawat section sa mga nakitang resulta sa scoreboard.

Ang mga Romans ay nagdidiwang pero ang iba sa kanila ay hindi pa rin makampante...

"Yeay! Una tayo."

"Don't celebrate yet, baka bumawi pa ang iba."

"True, saka magkakadikit lang ang scores natin, dapat lawakan natin ang agwat."

"Bakit huli na naman ang Galatians?"

"Ayaw na naman siguro nilang makipagparticipate?"

"Maybe? Psh, nakakawalang gana tuloy makipag-compete sa kanila."

Habang sa Corinthians ay makakarinig na naman ng reklamo at pagka-threatened sa mga Romans...

"Luh?! Romans na naman nangunguna?! Ang daya naman."

"Nandaya agad? Hahaha! Galingan na lang natin bugok."

"As expected, Galatians na naman huli." Kumento ni Shaira na napapailing. "Pero wag tayo papatalo sa mga Romans!!"

"Yeah!!!"

Sa Ephesians naman ay naginhawaan sila dahil hindi sila ang huli. Parang ang batayan nila ng tagumpay ay ang pagka-lamang nila sa Galatians...

"Malapit na tayong abutan ng mga Galatians, papatalo ba tayo??"

"Hindi!!!"

"Huwag tayong pumayag na maungusan ng mga Galatians!"

"Tama!"

Samantala, habang nakatingin ang tatlong section sa resulta ng performance nila ay biglang um-entrance na ang mga Galatians sa loob ng gymnasium. Natahimik ang lahat at napalingon sa mga bagong dating.

Mukhang handa na namang manapak at manugod ang mga Galatians dahil ang iba sa kanila ay nag-istretch ng leeg, braso, at nakakuyom pa ng mga kamao. Ang kanilang mga ekspresyon ay iba-iba, mayroong mga mukhang galit, naiinip, walang pake, masaya, naiirita, nakangisi, at kung ano-ano pa. Normal lang na ganoon sila kahit na hindi nila narinig ang mga masasamang kumento tungkol sa kanila.

Ang sampong babae naman sa Galatians ay nasa gitna't napapaligiran ng mga kaklase nilang lalaki. Tila ba nagmistulan silang celebrities na pinoprotektahan ng kanilang mga bodyguards na mukhang mga gangsters.

"What a noisy crowd." Kumento ni Vera, ang kanilang presidente, nang huminto na sila sa kanilang pila. Nakapwesto sila ngayon sa gitna ng Corinthians at Ephesians.

Naglakad si Vera papunta sa harapan ng kanyang mga kaklase para makita ang scoreboard nang maayos. Biglang natawa si Vera na ikinalingon pa ng ibang mga seksyon. Kahit na hindi alam ng Galatians kung ano ang nakakatawa ay pilit silang sumabay sa kanilang president. Napataas ang kilay ni Freya kay Vera at napansin naman ito ng babae kaya huminto siya sa pagtawa. Unti-unti ring nawala ang tawa ng mga Galatians nang mapansin ang tensyon sa dalawa.

School Life With YouWhere stories live. Discover now