05: Choose Me (part one)

809 114 181
                                    


Chapter Five - I
Choose Me

Independence day celebration

"For Grade 10 students, be ready for the first round of the Game of 10s this afternoon." Anunsyo ni Ma'am Mercy, ang junior high principal namin.

Pagkatapos ng announcements niya ay dinismiss na kaming mga high school dahil mayroong program ang elementary sa gymnasium.

It's our Independence day celebration today. Madaming mga flags na maliliit ang naka-display sa gate ng Empyrean Academy, at sa kung saan mang lupalop ng school na ito.

Madami ring booths at nagtitinda ng kung ano-ano sa school field. Mayroon ding mga canopies na itinayo ng school clubs dahil isang linggo raw na bukas ang mga clubs for accepting members. Kanya-kanyang pa sila ng mga pakulo para lang maka-attract ng madaming members. May mga nagbibigay ng ballpen, notebook, flyers, nagpapa-games, at kung ano-ano pa.

Nakita ko si Shaira na mukhang nautusan ng guidance counselor dahil nagbibigay sila ng mga detention slips sa mga estudyanteng late, at hindi kumpleto ang uniform, doon sa tabi ng gate.

Ang peaceful ng Empyrean Academy ngayon kaya sobrang nakakapanibago. Ibang-iba ito sa mga nangyari last week na puro gulo at walang rules. Ika nga nila, back to normal na ang lahat. Ganito pala ang normal sa EA? Wow.

Nakita kong nabigyan din si Violet ng slip dahil malamang ay late na ito. Hinihintay ko talaga siya dahil nag-chat siya sa akin na hintayin ko siya. I can sense that she's afraid to be alone.

"Chelseaaaa! My goodness! Nakakaasar talaga si Shaira, hindi man lang mapakiusapan!" Reklamo niya sabay pakita ng kanyang slip.

"Well, Shaira is Shaira." Napakibit-balikat na lamang ako.

"Pabibo na nga, bossy pa, hmph!" Sabi niya sabay crossed ng arms.

"Bakit ka ba na-late?"

"Sa atin lang to ah?" tanong niya kaya tumango naman ako. "Paano! I forgot to eat I'm halfway towards school so bumalik pa ako."

"Pwede namang dito ka nalang kumain?"

"But I like pancakes... cooked by my yaya." Nakanguso niyang sabi.

Sometimes she's like that, medyo childish yet she's super cute kaya natawa ako sa inakto niya.

Worshipped by many, but still flawed- oh aren't we all? Basta napatunayan ko sa pamamagitan ni Violet na kahit gaano pa kaganda ang isang tao, may part pa rin sa kanya na hindi okay. Nobody's perfect nga talaga.

"Oops wait, tutal Independence day ngayon, lemme please put makeup on you? Please please please?" Tanong nito, magkahawak pa ang dalawa niyang kamay na nasa gilid ng pisngi niya habang papikit-pikit ang mga mata nito.

"Huh? But I am not a makeup person."

Naalala ko dati, may nag-makeup sa akin na super lala maglagay ng foundation! It didn't match my skin well, that's why it kinda white washed me.

"Oh come on Chelsea! Lip and cheek tint lang, tapos kikilayan kita, saka lalagyan ng mascara, and that's it. Gandang polbo and liptint!" Niyakap niya ang braso ko habang sine-sway ito.

I sighed and nodded, she celebrated her victory by shouting her little "yeay!"

Imagine she's famous, beautiful, and admired by many yet she's here with me. Her fans will get jealous.

After she put a tint on my lips and shaped my brows naturally, Violet applied a "drunk" blush on my cheeks and on the bridge of my nose using a cream blush. She stepped backwards and take a good look on me.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon