06: Classroom unwanted Royalties (part one)

662 106 147
                                    


Chapter Six - I
Classroom "unwanted" Royalties

|Classroom officers election|

Today is Tuesday at ngayon ang araw ng aming classroom elections. I'm glad that Shaira approached me in the hallways or I'll think that she unfriended me already because of yesterday.

"Chelsea, vote for me ha!" Sabi nito.

Sasagot pa lang sana ako nang biglang magsalita si Freya sa gilid namin.

"Don't buy anyone's vote, loser." Ngumisi ito at saka tinabig pa ang balikat ni Shaira nang maglakad sila ng mga alipores niya patungo sa classroom.

"Don't worry, I don't mind her!" Nakangiting sabi ni Shaira.

Nagpatuloy siya sa pangangampanya ng kanyang sarili sa loob ng classroom. Napapailing naman si Violet habang pinagmamasdan si Shaira at sinabi na taon-taon na lang siya na ganyan.

Nang dumating na si Ms. Mara, panay ang congratulations niya sa aming lahat dahil sa nangyari kahapon. Some of us are still kinda down and regretful.

"Ma'am bakit 10 points lang sa amin? Di ba po, sabi namin, inosente si Yui, tapos killers sila Pablo at Cindy? Di ba po tig-five points yon, so 15 dapat ang score namin." Reklamo ni Shaira kaya sumangayon naman ang karamihan sa kanya.

"Oo nga! Favoritism sila masyado sa Romans!" Dagdag ni Kris.

"True sis! Porke star section." Dagdag naman ni Kier.

"Kaya 10 points lang kayo class, kasi hindi niyo napresent ang evidences na isa si Pablo sa mga pumatay, di ba na-guess niyo lang?" Malungkot na um-oo ang mga kaklase ko.

"Eh ma'am basta mandaraya pa rin mga Romans!" Sabi ni Kisha kaya sumangayon naman ang mga nakarinig ng sagupaan nila Shaira & Freya kahapon against Alice & Bea from Romans.

Then pinaliwanag ni Kier sa lahat ang ginawa ng Romans. Sinabi niya na binawasan nila ang poison, tinapon nila ang laman ng antidote, at nilagyan ng kaunting laman ang syringe para magmukha itong poison case. Nakamove on na ako kagabi, pero naiinis pa rin ako tuwing naalala ko yong ginawa nila. Muntik pa kasing napaaway si Shaira eh so I was worried din.

"Well, class, hindi naman sa kinakampihan ko ang Romans pero in the first place, pampalito talaga ang tatlong items na iyon. Originally, kahit na na-alter ang tatlong items, dapat hindi pa rin kayo mapapaniwala ng mga iyon. Kasi 1st, walang clues na nakasulat sa tatlong items na katulad ng ibang evidences, and 2nd, naprove niyo naman nang innocent si Yui." Paliwanag ni Ms. Mara.

Nagkaroon tuloy ng mga diskusyon na sumasangayon sa sinabi ni Ms. Mara at sinisisi nila ngayon si Shaira. Poor Shaira, I just wanna hug her.

"Don't look at me like that Chelsea." She said while smiling. Nakatingin siya sa harapan, gamit ang peripheral vision niya ay napansin nito na nakatingin ako sa kanya.

"I'm not affected." Wika nito sabay lingon sa akin.

"Pero parang binubully ka na nila." Sabi ko pero natawa siya.

"Well, problema na nila yon. Basta ako? Susundin ko ang pinapaniwalaan ko sa buhay." Paliwanag ni Shaira sabay kibit-balikat.

Napangiti ako sa sinabi niya at napatango.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon