01: Home Is Cool (part one)

3K 213 620
                                    


Chapter One - Part I
Home is Cool

|Chelsea, the homeschooler|


Hindi porke homeschooled ay hindi na marunong makipag-socialize, ignorante na sa mga bagay-bagay, o kaya ay ituturin nang nerd, outcast, at introvert pagdating sa regular school.

I am here to break that stigma.


"The outside world in this generation is wild and chaotic, are you sure you wanna do regular schooling?"

"I should've done this before dad, besides I believe that I can handle myself."

"It's your choice anak, as long as you can stand with your beliefs and opinions, I know you will do great."


After Kindergarten, I was 6 that time when my parents decided to educate me inside our house. I study alone on my desk everyday. Books are my main source of knowledge, and my parents are my instructors.

Protective sila lalo na't bata pa ako ay mahilig na akong tumuklas ng mga bagay-bagay na ikinapapahamak ko.

I was in Kindergarten when I almost got kidnapped, almost got bumped by a car, passed out because of my phobia, got lost for a day or two, and got poisoned because of food.

Kung iisipin ko ang mga 'yon, glimpse na lamang ang naaalala ko, pero nakatatak pa rin ang mga pangyayaring iyon sa utak ko.

I was an only child back then, pero ngayong 15 na ako ay 5 years old na ang kapatid kong si Cloud. Bata pa kasi sila mommy and daddy when they had me, nasa 21 or 22 pa lang yata sila noon kaya ganito ang age gap naming magkapatid.

Hindi naman nakakalungkot dahil madami naman akong mga ka-age na pinsan ko sa father's side. Kasama ko sila sa mga lessons outside the home, katulad ng swimming, tennis, at archery.

Paano ko napagsabay ang lahat ng yan? Homeschooling. Madami kang "time" kapag homeschooled ka. Iba-iba ang mga kasama kong pinsan sa bawat lessons na ni-take ko dahil hindi naman nila kayang pagsabayin lahat dahil wala silang time.

Hawak ko ang oras ko sa homeschooling kaya masaya. Kapag hindi ako lumalabas for my trainings, I study a lot, read & write, watch movies, series, play video games, bake, cook, excercise, do yoga, at kung ano-ano pa.

I also learned how to play instruments by watching Youtube tutorials or sometimes with the help of my cousins. Ayaw ko na kasing dagdagan pa ang gastos ng parents ko sa pag enroll sa akin for music lessons.

"Ang dami mo namang alam." Yan ang laging sinasabi sa akin ng mga tao sa paligid ko.

Pero alam ko ba lahat? Hindi syempre. Madami pa akong hindi alam at dapat matutunan. I doubt that I can learn all things, I'm not a genius, and I'm not that talented. I'm just curious. My curiosity pushed me to finally do regular schooling.

Also I believe that life is a teacher of a continuous lesson. Habang may buhay, may pag-asang matuto.

March na ngayon at karamihan ay bakasyon na from school. So I had my cousins to help me pack my things because I am finally moving to the city on April.

Doon na rin ako titira sa bahay ni tita Hera, ang cool tita namin na walang anak. Kaya naman naging lungga na naming magpipinsan na nag-aaral sa city ang bahay niya. Para na namin siyang second mom & dad at the same time.

"Chelsea, what's your final decision? Saan ka na niyan mag-aaral?" Tanong ng pinsan kong si ate Rona, incoming Grade 11 student sa St. Every Academy, isang all girls school.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon