Chapter 49

271K 4.9K 857
                                    

Follow the UG characters on twitter.

@MikaelaDC_ @KMAnderson_ @EdwardLance_ @CieloFigaroa

Twitter, askfm, IG: @vampiremims

 

---------

It was almost 10 in the morning ng magising ako. Nakausap ko na si Mommy about Mikael and I pero hanggang ngayon, hindi pa ako pinapansin ni Daddy. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin o sabihin.

Lance cancelled the engagement. Sinabi niya sa Daddy ko na hindi pa siya handang magpakasal kaya naman gusto niyang icancel ang kasal naming dalawa. Knowing Lance, he did that for me. Alam niyang si Mikael ang gusto ko.

Umupo ako sa kama and I checked my phone kung may kahit anong galing kay Mikael…

“Mahal na mahal talaga ako nun…” I said sarcastically. Kahit isang text, wala. Grabe magmahal si Mikael. Nakakakilig.

He’s really not the type of person na araw-araw, sweet. May mga pagkakataon lang talaga na clingy siya, may pagkakataon naman na ayaw niya akong pansinin. Si Mikael ay isang bipolar.

I was stretching my arms out when I noticed rose petals on my bedroom floor. Okay, what’s happening?

Napansin ko din na nagkalat ang rose petals sa kama ko. It was all over my room. Sinong nagkalat nito dito?

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto ko. What the hell happened? Bumagyo ba ng rose petals?

Lumabas ako ng kwarto ko pero may trail ng petals na nagkalat papunta sa hagdan. Seriously? What the fuck’s happening? Hindi nakakatuwa. 

“Mommy?” I tried to call my mom pero wala namang sumasagot sa akin. “Kuya Hunter? Kuya Thunder? Yaya?”

Nasaan na ang mga tao dito? Don’t tell me habang tulog ako, nakarating ako sa Narnia? O sa Neverland? O sa Mystic Falls? Damn!

Bumaba nalang ako at sinundan ang rose petals na nakakalat. Nakakapagtakang palabas ng bahay namin ang sinusundan kong trail. Saan ba papunta ‘to?

Ang tahimik ng village. Ang creepy lalo. Wala man lang katao-tao sa labas? Seryoso ‘to?

May umatake na ba na alien? Or zombies tapos kinain sila? Teka… kung ganun, bakit ako lang ang natira? Bastusan? Ano? Wala kong utak?

Naglakad lang ako ng naglakad habang sinusundan ang rose petals. Hanggang sa nakarating ako sa clubhouse. Nakakapagtakang ‘yung open space, closed na. Anong meron?

Nasa mundo pa ba ako? Baka naman nalipat na ako sa Mars?

Pumasok nalang ako sa loob and it was a wrong move dahil ang dilim sa loob. Narinig ko ang paglock ng pinto.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon