Chapter 30

310K 4.1K 386
                                    

Nagsisimula pa lang ako. Kbye.

 

Reported ang MikMik accounts at ang DUMMY ACCOUNT ko. Husay mo.

 

------------

“Mika?” I slowly opened my eyes. Naramdaman kong pinisil ng mahina ng isang tao ang kamay ko. “Mikael?” I’m not sure kung siya nga ba ‘to. Hindi ko makita ng maayos dahil nanlalabo ang paningin ko.

“I’m here, Ai.”

“Nasa hospital na naman ba ako?” I said softly. “Yeah…” he sighed. “How are you feeling?” tanong niya. “I’m fine. Umuwi na tayo…”

“Mikaela…” bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok sila Mommy. “Anak, how are you?” tanong niya sa akin. Lumayo si Mikael para bigyang space ang mga magulang ko. “Okay ka na?” tanong ulit ni Mommy sa akin. I smiled to her. “Pinag-alala ko na naman ba kayo? I’m sorry…”

“Okay lang, hija. Kamusta na ba ang pakiramdam mo?” tanong nila sa akin. “I’m fine, Dad. Iuwi niyo na ako…”

“We can’t do that, baby. Kailangan mo pang magstay dito.”

“What for? Wala naman silang magagawa…” I protested. “We’ll do everything we can, Mika.” Hinalikan ng daddy ko ang noo ko. Nakita ko namang umiiyak si Mommy. Napailing ako. “Mom, hindi pa ako patay. Save your tears, okay?” I smiled to her.

“Walang mamamatay, Mikaela.” Mikael said. Nagkatinginan naman sila nila Daddy. “Kerko’s right. Walang mamamatay, hija.”

Tinignan ko si Mikael. Bakit ba pinapaasa niyo ang mga sarili niyo sa bagay na makakasakit lang lalo sa inyo? Bakit hindi niyo nalang tanggapin ang katotohanan at magmove-on?

I sighed. Hindi nalang ako nagsalita. Ilang tao ang naging bisita ko sa buong araw. Ang dami nilang dalang foods at sana lang makain ko ‘yang mga ‘yan, kung hindi… si Hunter Dela Cruz ang kakain niyan.

“Hello, good evening po, Tito, Tita, Kerko, Mika.” Pumasok si Lance sa loob ng kwarto ko kasama ang isang lalaki. Sino naman ‘yan?

“Gabi na ah? Ano pang ginagawa mo dito?” tanong ko sakanya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “I missed you, too, Mikachu.” He said sarcastically. I rolled my eyes.

“I have a good news, Mikachu… nakahanap na kami ng compatible donor for you,” he smiled at me. Nagkatinginan sila Mommy at Daddy. “Totoo ba ‘yan, hijo?” tanong ni Mommy. Teary-eyed na naman siya. Drama din ng mommy ko e.

“Yes po. Siya si Dr. Sanchez, my uncle. He’s a cardiologist and they do have the heart na compatible for Mikaela.”

“How can you be so sure na compatible sa akin ‘yan, Lance?” kumunot ang noo ko. I’m not being negative or what… gusto ko lang malaman kung paano.

“I have your medical records, hija. You don’t have to worry about the owner of the heart, dahil nakapirma na siya sa charity records namin na idodonate niya ang puso niya sa mangangailangan,” paliwanag ng doctor sa akin.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon