Chapter 26

330K 4.5K 400
                                    

 

------------

“Mikaela…” kanina pa kumakatok si Mikael sa pinto ng kwarto ko at kanina pa ako nagbibingi-bingihan. Nagtatampo ako at naiinis sakanya. Paano niya ako nagawang iwan ng ganun ganun lang… ulit? Matapos naming magbati, isang kemerut lang from that Sophiyuck, nakalimutan na naman niya ako? Putulan ko ng paa ‘yun ng matuluyan e.

“Ai, open this door, please?” I sighed. Come on, Mikaela Michelle… tiisin mo siya. Kaya niya ngang gawin sa’yo e. Dapat ikaw din! Hindi pwedeng siya ng siya, aba! Oo, mahal mo siya… oo, nagpapakatanga ka sakanya pero gising din sa katotohanan. Know when to stop.

“Easy for you to say,” I frowned. Eto na nga ba ang hirap sa pagiging paranoid e. Kausap ko ang inner self ko. Ugh!

“Mika…” napatingin ako sa pinto na kanina pa gustong gibain ni Mikael kakakatok. Bahala ka diyan. Nakakainis ka nang tunay!

“Mikaela…” ibang boses na ang narinig ko. Lance?

“Go back to your room, Saavedra. You’ve no business here.”

“Mikaela’s my business, too, Kerko.”

“She’s my girlfriend, keep that in mind. Kaibigan ka lang.”

“She’s your girlfriend and yet you’re just making her your option. Try to prioritize her at baka sumuko na nga ako, Kerko. Oo nga, kaibigan lang ako but I will never leave her behind para sa ibang tao.”

“She’s not just an option to me. It’s just—“ naputol ang sasabihin ni Mikael ng buksan ko ang pinto. “Can you go outside at doon kayo mag-away? Gusto kong magpahinga.” I looked at them bago ko isinara ang pinto pero naharang naman agad ni Mikael ang kamay niya. “Ai, wait—ouch!” naipit ng pinto ang kamay niya.

“Okay ka lang ba?” lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya. “Masakit ba?” tinignan ko ang mukha niya. “Bakit kasi hinaharang mo ‘yung kamay mo?”

“Yeah… masakit na hindi mo ako pinapansin,” hinawakan niya din ang kamay ko. “Mikael…” I tried to get my hand back pero hinigpitan niya ang hawak dito.

“Kerko, ayaw niya—“

“Shut up, Saavedra. I’m not even talking to you,” he looked at Lance, sharply.

I sighed. “Lance, I’m fine. Magpahinga ka na. Maaga pa tayong aalis bukas.”

“Are you sure?” lumapit sa akin si Lance pero si Mikael, hindi pa din binibitiwan ang kamay ko. “Yeah,” I nodded. “Okay, goodnight, Mikaela…” nagulat ako ng halikan niya ako sa noo. Narinig ko naman ang mahinang pagmumura ni Mikael.

Hindi ako nakapagsalita at si Lance, naglakad na pabalik sa kwarto niya. Si Mikael naman ang sama ng tingin sa dinaanan ni Lance. Problema nito? Mula ng dumating si Lance, iritable na siya. Oo, sinabi na niya dati na nagseselos siya kay Lance pero malinaw naman sakanya na siya ang gusto ko. Siya ang mahal ko.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon