Chapter 25

348K 5.5K 614
                                    

Isa lang naman ang Ai ni Superman diba? =) #AiNiSuperman

Sa mga pupunta po pala sa MIBF, SUNDAY po ako nandun ^_^ I’m wearing a statement shirt na LINE ni Hunter sa NSA. Lol. Sa mga gusto po ng shirt, kindly message CRISTINE ANGELES or BEECHESSA. Pero if I were you, si Sisiw ang imemessage ko. Hahahaha! :P

Labyu, Beech! :D

Sample lay-out of the shirt on the side. Iba ang sa readers at sa OP e :D

-------------

“I want you to be happy, that’s why I’m setting you free.”

“Mikaela, are you out of your mind?!” hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinignan sa mata. “You’re setting me free? Gusto ko bang pakawalan mo ako?”

“Pero hindi mo ba nakikita, Kerko… we’re not for each other. Hindi ako ‘yung babaeng para sa’yo. I’m sorry na pinatagal ko ‘yung pagtitiis mo. I’m sorry na pinilit kong isiksik ang sarili ko sa’yo. I’m sorry kung ginulo ko ‘yung buhay mo. I’m sorry kung minahal kita… sorry…” I cried. Lumayo ako sakanya at umupo sa kama. Pakiramdam ko, pagod na pagod na ako. Gusto kong lumaban pero bakit ganun… I just saw him and Sophia, pero feeling ko… eto na ‘yung time na kailangan kong umalis sa eksena? Parang ito na ‘yung cue ko na kailangan ko ng gumising sa katotohanan… or maybe, I’m just using this as an excuse because I know, sooner or later, I’ll leave him still. Kahit ayoko, iiwan ko siya.

“Mika…” naglakad siya papalapit sa akin. He kneeled down at hinawakan ang kamay ko. “I’m sorry. Please, let’s fix this. You don’t have to do this.”

I shook my head. “What you need is girl like Sophia.” I looked at his face at pilit ko pa ding inaalala ang bawat parte ng mukha niya. Memorized ko ang lahat ng features niya pero gusto ko pa ding titigan… I want to have him, kahit sa memory ko nalang.

“I need you, Mika.”

“You don’t need a clumsy girlfriend, Kerko… you don’t need a noob girlfriend, a childish, a noisy one… you don’t need me, Kerko.” Para akong sinasaksak sa lahat ng sinasabi ko. I want him to need me pero paano kung hindi naman talaga ako ang kailangan niya?

“Mika…”

“When I saw you… with her… you look really good together,” napayuko ako. “Bagay kayo…” it hurts like hell telling him those words. Wala akong ibang gustong bumagay kay Mikael kung hindi ako. Tumayo ako at lumayo sakanya.

“Mikaela can you stop talking about Sophia? Wala akong gusto sa babaeng ‘yun, okay? Ikaw ‘yung gusto ko, hindi mo ba makita ‘yun?” he hissed out of frustration. Nakita ko din siyang tumayo at sumunod sa akin.

“Pero si Sophia—“

“I don’t care about her, okay? Mika, please…” niyakap niya ako mula sa likuran. “Don’t be mad at me, please?” ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Mas lalo akong nahihirapang bitawan siya.

“Kerko…”

“Stop calling me Kerko…”

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon