Chapter 38

341K 4.9K 471
                                    

Follow the UG characters on twitter.

@MikaelaDC_ @KMAnderson_ @EdwardLance_ @CieloFigaroa

Tweet your reactions. Follow me on twitter. @vampiremims.

Xoxo

 

Sorry for the turtle update. Mahal niyo naman ako diba? :P

---------

“Anong ginagawa mo dito, pare?” tinapik ni Dale ang balikat ni Lance. Magkakatabi kami sa isang lamesa. Kasama naming kumakain ng brunch sila Dale at ang ibang models and staffs. Gaya namin, tinanghali na din silang nagising dahil base sa narinig ko kanina, nag-bar hopping sila kagabi since may iba’t ibang bar dito sa resort.

“Visiting my girlfriend,” Lance answered him and smiled tenderly to me.

“He missed his baby, that’s why, Dale,” Kerko said sarcastically. Tinignan niya ako and I looked at him sharply. He’s really a jerk.

“Baby?” kumunot ang noo ni Dale. “Corny niyo ah?” he grinned.

“Wala kang pakialam.” I rolled my eyes. I don’t even know why I called him baby. It was awkward, I guess. Well, for me and Kerko, perhaps. Kapag kami ang nagtawagan ng baby, it’s kinda baduy for me. Parang hindi bagay sa amin… that’s why we prefer Ai and… “Damn!” I closed my eyes tightly. Ano ba ‘tong naiisip ko? Hindi ko na dapat iniisip ang bagay na ‘to.

“Are you okay?” Lance asked me. I nodded. “I’m fine,” I replied. Nakita ko naman ang bahagyang pagngisi ni Kerko. What’s with him? Nakakainis na siya.

“Saan ka nagsstay, pare? Occupied kasi namin lahat ng rooms ‘dun sa hotel e,” Dale asked him. “Sa kabilang hotel. I did try to get a room pero sabi nga nung receptionist…” he looked at Kerko, “puno na daw so I have to checked in sa ibang hotel.” Wala namang sinabi si Kerko. Nakatingin lang din sakanya.

“You can stay in my room, then.” Alok ko sakanya. Well, oo, kasama ko si Kerko but since andito na si Lance, pwede naman siguro na sa room ko na siya tumuloy.

“That’s not possible, Mikaela. We're not allowing visitors,” Kerko shrugged before sipping his coffee. I glared at him. “And why is that? He’s my boyfriend, Kerko.”

“I know. He’s your baby, right?” he said, mocking.

“May problema ka ba, Kerko?” Lance asked him.

“Kanina wala. Nung dumating ka…” biglang naging seryoso ang mukha niya. “Nagkaroon na.”

“What do you mean?” tanong ni Lance. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. Hinawakan ko ang kamay niya and told him to calm down. Bakit ba ang lakas mang-asar ngayon ni Kerko? Nakakainis.

“It’s okay, Lance. Since you can’t stay in my room, ako ang lilipat.”

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon