Chapter 13

385K 5.8K 191
                                    

 

Late MikMik Monthsary update.

 

#UnwantedGirlfriend

Vote. Comment. Fan. Thanks!

 

 

---------------

“Where do you think you’re going, baby?” napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Kuya Thunder. I rolled my eyes. Ang aga-aga pa para sa sermon/pang-iinis niya.

“Studio.” Sagot ko. Kailangan kong puntahan si Mikael. Hindi kami nakapagcelebrate ng monthsary namin dahil na rin sa schedule ni Mikael kahapon. Binati niya ako and swear! Nagulat akong alam niya. Pero paano naman kasing hindi niya malalaman… lagi ko ding pinapa-alala.

“Wala ka namang schedule ah?” tumaas ng bahagya ang kilay ng kuya ko at sumandal sa sofa. “Ayaw mo bang samahan si Kuya dito sa bahay?”

“You’re not cute. Kuya.” I smirked. “Gusto mo ng kasama? Call Kuya Hunter. Mag-bonding kayong dalawa. I have to go. See you later.” Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi.

Lumabas na ako at nagpahatid sa studio. Bumili na din muna ako ng iced coffee for Mikael and strawberry shake for me.

“Lance?” tawag ko sa lalaking may kaakbay na babae. Kamukha ni Lance e.

Lumingon naman siya sa akin. Halatang nagulat siya ng makita ako. “Mikaela!” awtomatikong tinanggal niya ang brasong naka-akbay sa babae.

“Akala ko kamukha mo lang. Ikaw pala talaga.” I smiled to him. “Hindi mo ba ako ipapakilala sakanya?” tanong ko kay Lance.

“Uh… yeah…” napakamot siya sa batok. “MM, this is Kim… Kim, si MM.”

“Hi!” bati ko sakanya. Hindi man lang niya ako nginitian o ano. Napatingin ako kay Lance. He shrugged at me. Kung siya lang din naman ang magiging girlfriend ni Lance, pwede bang huwag nalang mag-girlfriend si Lance? Kainis na babae ‘to.

Matapos akong makabili ng iced coffee at shake, naglakad na ako papuntang studio. Iniwan ko na si Lance at ‘yung Kim na ‘yun dun. Akala mo naman, kinaganda niya ang  hindi pagpansin sa akin.

“MM!” napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Lance. “Where’s your girlfriend?” tanong ko ng makalapit na siya sa akin.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon