Chapter 14

393K 5.9K 481
                                    

 

#UnwantedGirlfriend

 

Vote. Comment. Fan. Thanks :D

 

 

-------

“Kerko, naaalala mo pa si Yvonne?” kumunot ang noo ko ng marinig ko ang tanong ni Dale kay Mikael. Nandito kami sa studio niya, inaayos nila ‘yung mga pictures.

“Sino ‘yun?” tanong ni Mikael habang nakatingin sa screen ng computer niya.

“Tss. ‘yung hot chick na nakilala natin nung nagshoot tayo. Hiningi niya ang number mo, binigay ko na.”

“Binigay mo?” tinitigan ko ng masama si Dale. He nodded. “Bakit mo binigay?!” I hissed. Sino naman ang nagbigay ng karapatan ditong ipamigay ang number ni Mikael ng ganun-ganun lang?!

“Mika, pwede din kasi siyang magmodel dahil napakaganda niya—“

“Magpapalit ako ng number.” Putol ni Mikael sa sinasabi ni Dale.

I gave Dale a very deadly glare. Napaka nitong lalaking ‘to. Kainis.

“Pupunta daw dito si Yvonne one of these days. Dadalaw.” Patuloy na kwento ni Dale. “Sino ba ‘yang Yvonne na ‘yan?” tanong ko. Naiirita ako sa pangalan niya. Mukha siyang ibon.

“Anak siya nung mayor ‘dun e. Ang ganda niya talaga. Nakakabitin nga lang kasi dapat mags-stay pa kami ng isang gabi ‘dun pero nagmamadaling umuwi si Kerko. Halata pa namang may crush sakanya si Yvonne kaya special treatment siya ‘dun.”

“Talaga?” tumaas ang kilay ko at tumingin kay Mikael. Nakatingin pa din siya sa monitor ng computer niya.

“Oo. Alam mo bang pinakilala din ni Yvonne si Kerko sa parents niya kasi—“

“Dale, kapag pinatay ka ni Mikaela sa kadaldalan mo, wala akong kasalanan.”

“Kinukwento ko lang naman sakanya ‘yung—“

“Nagseselos na ang girlfriend ko kaya manahimik ka na.” tinignan siya ng masama ni Mikael.

“Oo na. Tss.” Napailing nalang si Dale habang may kinakalikot din sa laptop niya.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon