Chapter 23

308K 5.2K 455
                                    

I’m not going to post My Kerko’s POV. Madamot ako. Hahahahaha! Pero dahil hindi na kinakaya ng 1gb na utak ni Mika ang lahat, 3rd person tayo. Walang magulo, itatry ko pa lang ‘to. I seriously don’t know how to make this pero susubukan ko ha? :P Feeling ko, mukhang Kerko’s POV pa din e. Ang dami ko pang dapat matutunan. :D LAST na ‘tong pagpapanggap. Next UD, MIKA na ulit ako >_<

 

--------

 

He’s looking at her face. Hindi niya maiwasang mapangiti sa bawat expression ni Mikaela habang natutulog. Ito lang ata ang babaeng kilala niya na hindi nababawasan ang ganda kahit pa hindi nakangiti. She looks so pretty when she’s frowning but she’s the prettiest when she’s smiling.

Kanina pa ito tulog sa tabi niya. She’s hugging him and it actually felt right holding her like that. Nasasanay na nga siyang nasa tabi niya ang dalaga. What he feels for Mikaela is way beyond for what he feels for Stephanie. Si Stephanie, kaya niyang hindi makausap ng kahit isang buwan pa, but Mikaela? Nakakahiya mang aminin, he does things to show that he cares for her. He checks on her every now and then but the perks of having a noob girlfriend, buti naman at hindi nakakahalata ang babaeng katabi niya sa mga ginagawa niya para dito.

“What am I going to do kung aalis ka, Ai?” he caressed her face and tucked her hair at the back of her ear. Dinala niya ito dito dahil mas gusto niya pang makasama ito. He knows that one of these days, kung nasa Superman City sila, Thunder will knock on his door and will took her away from him. Pwede siyang magpanggap na wala siyang pakialam, where he’s good at, but he knows it’ll be hell if Mikaela will leave him.

“Mikael…” she calls him again. Sa iilang beses na nakatabi niya si Mika sa pagtulog, ilang beses na niyang naririnig na tinatawag siya nito habang natutulog. She obviously loves him. Hindi niya alam kung bakit siya pa ang minahal nito pero hindi niya maitatanggi ang katotohanan na masaya siyang siya ang mahal nito.

“My Mikaela.”

“I love you,” she whispered. He’s sure as hell that she’s sleeping and she’s dreaming again. Every time she’s saying those words to him, gusto niyang sumagot. Gusto niyang sabihin kung ano nga ba ang nararamdaman niya para dito. But he’s thinking the consequences. What will happen next?

He kissed his girlfriend’s forehead and hugged her tighter. He took a deep breathe before whispering something to her. He does that every single night they were together. Mas nauuna talagang matulog si Mikaela sakanya. Nagpapanggap siyang tulog para hindi siya kulitin nito but the truth is he’s waiting for her to fall asleep. When she’s sleeping, that’s the time he can admit what he feels for her.

“Mikael?” he saw Mika’s eye slowly opening. Lumayo siya ng konti sa dalaga. “Why are you still up?” bumangon si Mika at kinusot-kusot ang mata gamit ang kamay niya. “What time is it?” kinuha nito ang cellphone nito sa may bedside table. “3 am?” nilingon siya nito. “Hindi ka pa ba natutulog?” tanong niya.

“I just woke up dahil ang lakas mo maghilik,” pasungit na sagot niya. Narinig kaya niya? Damn!

“Hindi ako naghihilik! Kapal neto,” she rolled her eyes at him. She’s really adorable when she’s doing that. He badly wanted to pull her and kiss her right there and then but he needs to control himself. Sa tuwing kasama niya si Mikaela, laging kailangan niyang pigilan ang sarili niya. Not because he’s a perfect gentleman but because he respects her. She trust him and he doesn't want her to be mad at her that’s why as much as possible, gumagawa siya ng paraan para dito.

“Kaya pala nagising ako?” he looked at her and she rolled her eyes once again. “Ewan ko sa’yo,” humiga nalang siya ulit at humarap sa kabilang panig ng kwarto. Hindi niya maiwasang mapangiti. Mikaela and her childish acts.

Maya-maya lang, naramdaman niyang tulog na ulit ito. Buti naman.

Nakuha ng cellphone nito ang atensyon niya ng makita niyang umilaw ito. Sino namang magtetext sa babaeng ‘to ng ganitong oras. He knows he shouldn’t invade Mika’s privacy but he can’t help it. Kinuha niya ang cellphone nito at unlocked it. He knows the password dahil sinabi mismo ni Mika sakanya.

1 message from LalalaLance.

Anong kalokohang pangalan ‘yan? Tss. Dami talagang alam ng girlfriend ko.

Mikachu, where are you? They’re all looking for you. You’re with Kerko, right? Tss. Call me, okay? I miss you. I love you.

Replyan ko kaya ‘to? Bwisit e.

Ibinalik niya ‘yung cellphone sa pinagkuhanan niya. He can’t be selfish to the people around her. Pero hindi niya maiwasang ipagdamot ito sakanila. Kung iniisip ng lahat na he’s used on having so much attention, they’re all wrong. He doesn’t need the world’s attention. Mika’s enough.

“Bakit ba kasi hadlang ang mundo sa atin?” he looked at Mikaela who’s peacefully sleeping again. He knows Thunder and Hunter are against to their relationship. He can understand where they are coming from. Thunder’s PJ’s friend. PJ’s Stephanie’s husband and he’s the one who helped Stephanie way back in New York. Alam niyang kahit hindi nila sabihin, they’re blaming him dahil sa paghihiwalay ng dalawa. Hindi ba nila makita na tinulungan niya si Stephanie? Siguro kahit hindi nagkabalikan si PJ at Steph, walang Kerko at Stephanie na mangyayari. It’ll always be Mikaela and Mikael.

Stephanie’s his dream girl, no doubt about that… but Mikaela’s his reality. He doesn'tt have any regret na pumayag siyang maging girlfriend ito. Hindi niya napansing nakangiti na siya habang iniisip ang mga ginagawa ni Mika noong ‘nanliligaw’ ito sakanya.

Simula ng bumalik silang lahat sa Pilipinas, walang araw na hindi niya nakikita ang mukha nito sa studio niya. He knows she’s doing that to keep him busy and occupied dahil inaayos nila PJ ang relasyon nila ni Stephanie. He’s thankful to have her in his life.

 “I just want to be with you forever, is that too much to ask?” humiga na siya sa tabi ng dalaga at hinawakan ang kamay nito. “Hindi kita bibitawan, Mika. Not now, not ever.”

“I love you, Mikaela.”

Sa ganitong paraan lang siya nakakaamin. Sa paraang hindi alam at hindi naririnig ni Mika.

 

---------

Filler lang ‘to. -.- Kailangan ko lang itawid. :P Lols. Walang kwenta. Ge. Hahahahahah! Idedelete ko nalang ‘to kapag natapos ko ang pang-UD talaga, okay? :P

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon