Chapter 24

338K 5.5K 597
                                    

Failed ako last UD :/ Mukhang Kerko’s POV :/ </3 Pero hindi ko na buburahin. Hahahahaha.

 

--------

 

“Mikael, ang weird ng dream ko kagabi…” umupo ako sa tabi ni Mikael habang naka-upo siya sa may hagdan sa labas ng bahay nila.

“Lahat naman ng tungkol sa’yo, weird.”

“Oo na,” I frowned. Grabe ‘tong lalaking ‘to. Hindi man lang magpanggap na sweet sa akin unlike nung isang araw na may nalalaman pa siyang kahit saan siya magpapakasal basta ako ang bride. Naku! Bipolar talaga ‘to. Minsan mabait, minsan masasakal ko na siya sa sobrang sungit. Buti nalang talaga mahal ko ‘to e.

“Ano bang napanaginipan mo?” tanong niya sa akin. Pumitas siya ng isang bulaklak mula sa gilid na nakatanim tapos inilagay sa tenga ko. “Thank you,” I smiled to him. “Kapag nakita ni Manang ‘yan, yari ka sakanya.” Hindi ko naiwasang mapasimangot na naman habang tawa naman siya ng tawa. Baliw talaga e. “As I was saying, ang weird ng panaginip ko kasi…” I paused. Napanaginipan kong sinabihan niya ako ng ‘I love you’. It felt so true. I actually wished na sana hindi na ako nagising dahil napakasaya ko ng marinig ko ‘yun mula sakanya pero mukhang hanggang sa panaginip ko nalang ata talaga maririnig ‘yung mga salitang ‘yun galing sakanya.

“Kasi?” tila hinihintay niya din naman ang sunod na sasabihin ko. I looked at his face. Medyo nakataas ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa akin, hinihintay ang sunod kong sasabihin. “Nevermind. Nakalimutan ko na din kung ano e,” I shook my head. “Tss. Noob.” Ibinalik niya ang tingin sa mga puno na nakatanim sa bakuran ng bahay nila.

“Hindi mo ba namimiss si Saavedra?” awtomatiko akong napa-kunot noon g marinig ko ang tanong niya. “Si Lance?”

“Si LalalaLance,” he hissed. Natawa naman ako. Naalala ko kasi ‘yung pang-iinis ko kay Lance kaya naging ganun ang tawag ko sakanya. “Namimiss ko.” Ilang araw ko na ding hindi sinasagot ang tawag at texts niya e. Alam ko namang inuutusan lang nila kuya ‘yun na hanapin ako e. Well, I’m not really sure kung ipinapahanap nga ba nila ako. Like what I said, they have a girl to spend the night with, so why bother look for their missing sister, right?

“Tss.”

“Si Lance… he’s like a brother to me,” I sighed. Sa tagal na kilala ko si Lance, para ko na talaga siyang kapatid. Yes, I admit. Nagka-crush ako kay Lance before… but the moment I saw Mikael, ‘yung crush na nararamdaman ko, parang bula na naglaho. I fell in love with Mikael unang kita pa lang. Nagsusungit ako, nagpapaka-brat ako, inaaway ko siya to get his attention lalo na nung nakikita kong gusto niya si Ate Stephanie. Ano bang meron siya?

“You’re not like a sister to him.”

“Wala akong magagawa sa tingin sa akin ni Lance. I want him to be happy and it’s crystal clear to him that I’m in love with you, Mikael. Ikaw ‘yung gusto ko.”

“Si Saavedra ang gusto ng mga kuya mo para sa’yo.”

“Ikaw naman ang gusto ko.”

“Babanat ka na naman e,” napailing siya habang nakangiti bago tumayo at inilahad ang kamay sa akin at inalalayan akong makatayo.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon