Chapter 35

319K 5.3K 317
                                    

---------

Mikaela

“Can anyone in this f-ucking room care to explain to me the meaning of this?” I looked at Dale pero nag-iwas siya ng tingin. Ang ibang executives din, ayaw akong tignan. I looked at him… nakatingin lang siya sa akin. “What is this all about, Kerko?”

“You have to live with me.”

“That’s what exactly I don’t understand! May sarili akong condo. Bakit kailangan kong tumira kasama ka?” I’ve read the new contract. Since kababalik ko lang from a year of soul-searching, kailangan ko ng bumalik sa trabaho ko kahit na habang-buhay naman akong magliwaliw lang sa mamanahin ko sa mga magulang ko. Gusto kong may gawin sa buhay. Ayoko nang maging ‘yung Mikaela na dependent.

Lance helped me a lot. He was there for me nang iniwan ako ng lahat. Nung inakala ko na may isang tao sa mundo na kaya akong tanggapin pero iiwan lang din pala ako. Lance was there to pick every broken pieces of me. I admit, naging dependent ako sakanya nung nasa Italy pa kami sa mga unang buwan namin ‘dun. As time goes by, I’ve realized everything he said. His reasons kung bakit hindi niya ako minahal. Kung bakit niya ako pinaasa… silly me. Hindi pala niya ako pinaasa. I assumed. Nag-assume ako na may chance kami. Nag-assume ako na mamahalin niya ako pabalik. Isang malaking katangahan.

“Knowing you, may tendency na madedelay ang mga photo shoots dahil sa kabagalan mo. Mas mabuti na kung kasama kita, mas bibilis ang trabaho natin.”

“You don’t know me, Kerko. Hindi ako pumapayag sa gusto mong mangyari.” Over my dead body na papayag akong makasama siya sa isang bahay. No way.

“I know you so well, Mikaela.” Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “You signed the contract without reading it kaya ngayon, nagwawala ka diyan.” He chuckles and looked at me, amused. “Am I right?”

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. He’s right. Hindi ko talaga binasa ang contract. I just signed it. Hindi ko na binasa dahil akala ko, katulad lang ng mga dating kontrata lang ang pinadala ni Dale kaya naman nagulat ako ng isa-isahin nila ang terms ng contract sa akin kanina.

“Mika, may point naman si Kerko. Kung magkasama kayong dalawa, sabay na kayong pupunta sa—“

“No! I don’t see his f-ucking point!” I looked at Kerko sharply matapos kong putulin ang sasabihin ni Mr. Calonzo—isa sa mga executives na kasama namin. “Ako, titira sa isang bahay kasama siya dahil lang sa stupid reasons niyo? Sino bang gumawa nang kabullshit-an na ‘yan?!”

I saw Kerko’s jaw tightened and I don’t give a d-amn, actually. I can’t fathom why I have to live with him. Ayoko!

“Mika… wala namang masama kung titira kayo sa iisang bahay. Magkaibigan naman kayo noon at—“

“Shut the f-uck up, Dale. You’re not helping and you’re so dead later. Get that?” I arched a brow on him. Tumahimik naman siya pero nabigla ako ng may humila sa braso ko at isinama ako palabas… o mas tamang term ang kinaladkad ako palabas.

“Ano ba, let me go!” pilit kong binabawi ang braso ko pero ang higpit ng hawak niya sa akin. “Let me go! D-amn—“

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon