Chapter 15

386K 6.1K 692
                                    

 

#UnwantedGirlfriend

 

Vote. Comment. Fan. Thanks!

 

 

----------

Pagmulat ng mata ko, si Mikael agad ang nakita ko. Ang himbing ng tulog niya. Ang cute cute cute niya.

“Good morning, boyfriend.” I whispered. Mahinang mahina lang para hindi siya magising. Natatawa ako sakanya. As in hindi talaga siya naghubad ng damit. Kinukulit ko pa din siya kung pwede kong silipin ang abs niya pero sinusungitan niya ako.

A true gentleman. I’m so lucky to have him. “I love you.” Hinalikan ko siya sa labi tsaka ako bumangon. Maybe I should cook something for him. Well, hindi naman ako gagawa ng bonggang bonggang breakfast, baka mawalan ng bahay si Mikael kapag ginawa ko ‘yun.

Nagpunta na ako sa banyo para maghilamos. Nakakatuwa ‘yung loob ng cr ni Mikael. May gamit na din kasi ako dito. Kung tutusin, siguro iisipin ng iba na may nangyayari na sa amin but no… alam kong hindi gagawin ni Mikael sa akin ‘yun… pero come to think of it… hanggang saan kaya aabot ang control ni Mikael? Hanggang kailan siya magtitimpi?

“Dream on, Mika. Great wall of China ang control ni Mikael. Mahirap matibag.” I looked at myself on the mirror. Basta ko nalang tinali ang buhok ko kaya naman may ga nalaglag pang hibla sa gilid.

Bumaba na ako para maghanda ng breakfast namin. I really hope maging maayos ang kalalabasan ng french toast ko. Well, sa lahat ng pagkain sa mundo, salad at french toast lang ata ang nagawa ko ng medyo tama. Well, nakagawa naman ako ng cake. It was edible. Nakakain naman ‘yung nagawa ko. Depende lang sa kakain kung paano niya iaappreciate.

Maybe I should make him coffee too? Pero paano nga ba magtimpla ng kape? I never had coffee before. Aside from starbucks, of course. Pero ‘yung ako mismo magtitimpla? Juice nalang ako! Hindi din ako marunong gumamit ng coffee maker. This is frustrating! May instant coffee naman sa mga fastfood, mag-order nalang kaya ako?

Pero hindi e! walang effort kapag ganun! Ugh! Bahala na nga. Mamaya ko na iisipin ang kape. ‘yung French toast nalang muna.

Kinuha ko ‘yung purple apron ko tsaka ako nagkalat sa kusina ni Mikael. Nakakatuwang mas sanay pa akong kumilos dito kesa sa sarili naming bahay.

Inihanda ko na ang mga kailangan ko tsaka ako nagluto.

“Oh my gosh! Huwag kang masusunog!” I hissed. Ang hirap niya iluto! Why?! Hindi naman ganito before… well, kasama ko si Yaya dati nung nagluto ako nito… ugh! Fine, it was Yaya who cooked that French toast before, tumulong lang ako… pero ganito naman ang ginawa niya e.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon