Chapter 22

368K 5.2K 496
                                    

“Mahilig ka pala sa bata?” tanong ni Mikael sa akin habang kumukuha ng pictures ng view at ako naman ay nagpapaypay gamit ang kamay ko. Nakaupo kaming dalawa sa isang punong nakatumba. Hindi ko alam kung natumba ba ‘tong punong ‘to dahil sa bagyo o sinadyang putulin. It was like a bench. ‘Yun nga lang, natural siya. Galing sa nature e.

I was right, may farm nga dito at nakasalamuha ko na din ang ilang mga tao. May mga matatandang magsasaka na tinutukso kaming dalawa na bagay na bagay daw kami pero nginingitian lang namin at bakas na bakas naman sa mukha ng mga babae ang pagkagusto kay Mikael. God, hindi ba nila matago ang admiration? Hello! Girlfriend here! Buhay na buhay! Maganda pa! Kutusan ko ‘yung mga ‘yun e.

I found out na may mga bata dito na pinapaaral ng pamilya nila Mikael. He also told me that binabawi lang nila ang puhunan pero lahat ng kita dito, napupunta sa mga magsasaka and the other workers. Ang galing lang, hindi sila selfish like other people na gigipitin pa ‘yung naghihirap. Mas lalo akong bumilib sakanya at sa pamilya niya.

“I like their innocence. Sometimes, I wished I’m still a child. Walang problema, walang iniisip, free to do anything, hindi nasasaktan… If ever masaktan, candy lang, okay na. Unlike now, you have to cry yourself to sleep dahil lang nasasaktan ka. Hindi simpleng alcohol lang ang kailangan para gumaling ka. You need to accept everything and you need to be matured enough to take risks and its consequences,” sagot ko habang nakatingin sa malayo. “Minsan, iniisip ko kung totoo ba si Peter Pan. Kung may Neverland… kung may fountain of youth. But I guess, that makes me the ultimate noob kung maniniwala akong they exist, right? Puro fictional kasi sila,” I chuckled.

“Malay mo meron…”

“Ayoko. I was humiliated when I asked a guy in the mall kung nag-eexist ba si Santa e,” I frowned. Naalala ko na naman tuloy. I was just thirteen then. Oo, maganda ako pero may brace kasi ako nun e. Lumapit ako sakanya kasi almost Christmas na nun. I asked him kung totoo ba si Santa at kung anong oras siya darating sa chimney namin—pinagawan ko talaga ng chimney ang room ko dahil kay Santa—para maabangan ko siya pero pinagsigawan niyang may nagtatanong sakanya kung totoo ba si Santa. He was laughing his heart out kaya pati ‘yung ibang tao sa mall, tawa ng tawa. I almost wished na kainin na ako ng lupa nun. Thunder and Hunter wasn’t there for me that time kaya naman feeling ko, isa akong damsel in distress who needs to be saved pero wala akong prince that time.

“Seriously? Naniniwala ka kay Santa?” tawa din siya ng tawa ng sabihin ko ang nangyari. I frowned at him. “Tawa pa. Kabagin ka sana…” I rolled my eyes heavenward. May prince na nga ako, may magpoprotect na nga sa akin… pero pagtatawanan muna ako. Tss.

“Pero kasi…” hindi niya mapigil ang tawa niya to the extent na namumula na ang mukha niya. “Tuwang tuwa ka naman. Tss.” I seriously cannot understand this. Imbes na magalit siya sa lalaking pinagtawanan ako, tumawa din siya. Isabit ko sa puno ‘to e.

“Nakakatawa ka naman kasi talaga… I found it cute, though.” I saw his teary eyed. Maiyak-iyak na sa kakatawa? Ganun siya kasaya? “Cute? Oo nalang.”

“Come on, Mika. Don’t tell me naniniwala ka din na may mermaid at vampires?” I hear humor in his voice. Tinitigan ko siya ng masama. “Naniniwala akong mamayang gabi, magiging frog ka,” I hissed. Tumayo nalang ako at naglakad-lakad. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. “Frog? Then  you have to kiss me to be a prince again… to be your prince again, my princess.”

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon