Chapter 41

286K 5.2K 636
                                    

Follow the UG characters on twitter.

@MikaelaDC_ @KMAnderson_ @EdwardLance_ @CieloFigaroa

Tweet your reactions. Follow me on twitter. @vampiremims.

Xoxo

---------

“Welcome back,” Kerko opened the door and let me enter first. I took a deep breathe before I stepped in. This is the first time after a year na papasok ako ulit sa bahay niya. What I have here, were all good memories. Mula nung mga panahon na kinukulit ko si Kerko, ‘yung pagtulog ko na katabi siya, ‘yung pagkain namin ng sabay, pagluluto ko para sakanya, pag-aalaga niya sa akin nung may sakit ako… I admit, I want those to happen again pero natatakot na ako sa magiging balik sa akin.

Inilibot ko ang mata sa bahay niya. Walang nagbago. It’s still the same… pati ‘yung pakiramdam ko, the same. Pumasok si Kerko na dala ang gamit ko. I stared at him. Dapat masaya ako na sinasabi niyang mahal niya ako e. Dapat I’m the happiest kasi any moment, pwede namang maging kami nalang ulit. Pero ang komplikado ng sitwasyon… bukod sa may isang Edward Lance Saavedra na nagmamahal sa akin, natatakot ako na kapag bumalik ako kay Kerko, marealize niya na hindi pala niya ako mahal. Akala niya lang mahal niya ako… pero si Ate Stephanie pa din pala.

“Saan ba ako matutulog?” I asked him. Nilingon niya naman ako, “In my room.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “In your room? And why is that?” I asked him again. He shrugged. “Saan natulog ‘yung babae mo noon?” Lumapit ako sakanya.

“Babae ko?” he seemed clueless. I rolled my eyes, “Si Sophia mo. Nagkasakit siya kaya mo ako iniwan diba?” I said sarcastically. “Hindi ko babae si Sophia. Si Mikaela Michelle Dela Cruz soon-to-be Anderson lang ang babae sa buhay ko.” He replied.

“Whatever,” nag-iwas ako ng tingin. “Saan nga siya natulog?” Kung sa guest room natulog si Sophia, I swear, never kong hahawakan kahit ang doorknob ng kwartong ‘yun. Hinding-hindi ako matutulog sa kwartong tinulugan niya. “Fine, sa kwarto mo ako matutulog. You’ll use the guest room, then. Tutal ‘dun mo naman pinatulog ang babae mo, ayokong matulog sa—“

“Sa kwarto ko siya natulog.”

Napalingon ako kay Kerko ng magsalita siya. “Ano?” Sa kwarto niya natulog ‘yung babaeng ‘yun?

“Ai, nauna siyang dumating dito. She texted me and she said, may picture mo sa kwartong tinulugan niya kaya—“

“Nevermind. I don’t want to hear your explanations.” Kinuha ko ang bag kong hawak niya at umakyat sa guest room and locked the door. Naiinis ako. Naiinis ako sa thought na may ibang bbaeng natulog sa kwarto ni Kerko maliban sa akin. I know, I don’t have any right to feel that, but damn! Nagseselos ako.

“Mikaela,” narinig kong tawag niya mula sa labas ng kwarto. I ignored him. Ayokong kausapin siya dahil baka may masabi akong hindi dapat. Nagseselos ako pero hindi naman niya dapat malaman. Naguguluhan din ako sa sarili ko. Dapat kong ilayo ang sarili ko kay Kerko pero hindi ko kaya… gusto ko din siyang maksama.

“Ai, please open the door,” he knocked again. I once again, ignored him. “Mikaela, open this damn door, please?” I just looked at the door and pretend that I didn’t hear anything.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon