Chapter 37

301K 4.8K 199
                                    

Follow the UG characters on twitter.

@MikaelaDC_ @KMAnderson_ @EdwardLance_ @CieloFigaroa

Tweet your reactions. Follow me on twitter. @vampiremims.

xoxo

---------

“Saan mo ba ako dadalhin?!” pilit kong hinihila ang kamay ko mula kay Kerko. Kaninang umaga pa siya ganyan simula ng magising ako. Well, kanina pa kami nag-aaway simula ng malaman kong iisang kwarto lang pala ang gagamitin namin pero bilang isang gentleman daw siya, sa couch siya natulog. I admit, naawa naman akong sa sofa siya natulog pero wala naman akong alam. Akala ko lumabas na siya pero lumabas lang pala siya sa kwarto ko.

Pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin dahil nga hinihila niya ako at sinisigawan ko siya pero wala akong pakialam. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking ‘to.

“Kerko ano ba?!” hinila ko ng mas malakas ang kamay ko kaya naman napahinto rin siya sa paglalakad. “Ano bang probema mo?!” I hissed. Hinawakan ko ang kamay kong namumula dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. “Just come with me,” he said. Tumaas ang kilay ko. “Mag-isa ka. Babalik na ako. Bahala ka sa buhay mo, okay?” tinalikuran ko na siya at naglakad pero nagulat ako ng bigla niya akong buhatin at inilagay sa balikat niya.

“Kerko!” I shrieked. “Put me down!”

“Just stay still, will you?!”

“Ibaba mo nga ako! Nasisiraan ka na ba?!”

“Ang ingay mo, alam mo ‘yun?” naiinis niyang sabi. “Ibaba mo nga kasi ako!”

Tila walang naririnig si Kerko sa lahat ng protesta ko. Nakakainis. Dahil hindi ko naman nakikita ang nilalakaran naming dalawa, ‘yung nalalagpasan nalang namin. Forest. Gubat?!

“A-anong gagawin natin dito?” tanong ko sa mas mahinahon ng tono pero hindi niya ako pinansin. Naglakad lang siya habang buhat ako. “Kerko put me down, now.” I sighed.

Nagakad pa siya ng ilan pang minute bago niya ako binaba. “What are we doing here?” tumaas ang kilay ko sakanya. “Seriously. Forest. Anong meron dito bukod sa mga puno at sa mga hayop?”

Lumingon-lingon ako. I actually like the place. Ang peaceful na huni lang ng ibon ang maririnig mo. ‘Yung mga dahon na tinatangay ng hangin.

“Ikaw at ako lang ang nandito.” Narinig kong sabi niya. “So?” Nilingon ko siya. “Bumalik na tayo, Kerko. Wala akong panahon makipaglaro.”

“Mukha ba akong naglalaro, Mikela?” humakbang siya palapit sa akin. Pinigilan ko ang sarili ko na humakbang paatras para ipakita na hindi ako natatakot sakanya.

“Bumalik na tayo, Kerko.” Nag-iwas ako ng tingin. “Para ano? Para makipag-usap ka ng makipag-usap kay Dale?”

Kumunot ang noo ko. “What?”

“I am with you all the time pero ni minsan ba nilingon mo ako? You were talking to him the whole time and he’s starting to get on my nerves, Mikaela.”

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon