Chapter 44

250K 4.2K 121
                                    

Follow the UG characters on twitter.

@MikaelaDC_ @KMAnderson_ @EdwardLance_ @CieloFigaroa

Twitter, askfm, IG : @vampiremims

---------

“Where are you taking me?” nakasandal ako sa pinto ng kotse habang nakatingin kay Mikael at kinukuhanan siya ng pictures. I am once again, memorizing every details of him. If this will be the last time that I’ll be with him, susulitin ko na. Alam ko na isang tao lang ang makakapagpasaya sa akin ng lubusan kahit pa hindi kami magkasama. Si Mikael lang. Siya lang at wala ng iba.

“Sa hide-out ko,” he smiled at me. “We’ll stay there for two days, as you wished, but please, stop it first, Ai. Hindi ako sanay na ako ang kinukunan.”

I just smiled and took pictures of him again habang pilit niya namang inaagaw ang cellphone ko. Mamimiss ko siya. Mamimiss ko na naman siya. Parang kailan lang, akala ko okay na ang lahat… masaya naman kami. Pero ako naman ang kailangan mang-iwan sakanya.

“Ang KJ mo. Gusto ko lang naman ng remembrance e,” I pout then focus the camera on him again. He sighed. Pinabayaan nalang niya akong kuhanan siya ng kuhanan.

Pagbalik ko sa bahay, I’ll print this at itatago ko. Para kapag nalulungkot ako, may babalikan akong masayang memories. May mga bagay akong maaalala kung saan masayang-masaya ako at kasama ko ang pinakamamahal kong tao.

Sana hindi nalang ako si Mikaela Michelle para hindi ganito kakomplikado. Sa simula pa lang naman, hindi na tama ang nararamdaman ko para sakanya e… pero pinilit ko. Kasi gusto ko talaga siya. Gusto ko siyang makasama.

“I love you.” I stopped taking pictures. “Mahal na mahal kita, Mikael.” I added. “Don’t forget that, okay?”

“Stop saying that as if you’re leaving, Mikaela. Tinatakot mo ako,” seryoso ang pagkakasabi niya kaya naman kailangan kong tumawa para pagtakpan ang sakit na nararamamdaman ko.

“Baliw ka talaga,” pinunasan ko ang luha sa dulo ng mga mata ko at nagpanggap na tumatawa. “Ikaw? Iiwan ko?” I shook my head. “Para mo na din sinabing huwag akong kumain gamit ang bibig ko niyan e. Mahal na mahal kaya kita,” nag-iwas ako ng tingin para hindi niya makita ang pagtulo ng luha ko.

“Ano ba ‘yan! Sobrang natawa ako sa joke mo.” I took a deep breath. Iniisip ko pa lang na mawawala ka ulit sa akin, Mikael nasasaktan na ako ng sobra-sobra. Pero kailangan ko din gawin e. Siguro nga, kailangan din talaga nating tanggapin na hindi naman talaga tayo para sa isa’t isa. How hard we try to be with each other, destiny at fate na ang nagpapalayo sa atin.

“Ai…”

I shook my head. “Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano, Mikael.” I looked at him and smiled. “Hindi kita iiwan. Forever, diba?” I am such a liar.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa labi niya tsaka hinagkan. “Forever.”

I bit my lip to control my tears. “Mahal na mahal kita, Mikaela,” he whispered.

“I love you, too.”

Sa buong biyahe, kinukuhanan ko lang siya ng pictures. ‘Yung pagkunot ng noo niya. Palihim na tingin kung kinukuhanan ko pa siya. Pagngiti niya. Pagtawa niya… at least, marami akong babaunin na ala-ala. Hanggang memories nalang ata talaga kami ni Mikael e. We can never have our happy ending. Siguro nagkita lang kami ayon sa tadhana pero hindi naman kami ang itinakda.

“Where are we?” napakunot ang noo ko ng ihinto ni Mikael ang sasakyan sa tapat ng isang bahay sa kalagitnaan ng gubat. Seriously?

“Hide out ko.” he shrugged. Bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pinto. “It’s actually my Lolo’s. Nung bata pa ako, dinadala niya ako dito kapag naririndi siya sa ingay ng Lola ko,” he smiled. “A few kilometers more at nasa hacienda na ulit tayo ni Lola.” Ang tinutukoy niya ang ‘yung pinuntahan namin noon kung saan umeksena ng umeksena si Sophia.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon