Chapter 21

407K 5.9K 439
                                    

 

I just want to inform you guys na under LIB po ang pagpublish ng HBWW at hopefully, ng CB, NSA, BB at UG na din. Pray lang at trust kay Lord. Hihihi.

Sana suportahan niyo ‘yung book kapag napublish na, okay? :D

 

Vote. Comment. Fan. Thanks!

 

 

---------

 

 

“Saan ba ‘yung pupuntahan natin? Is that still a part of the Philippines?” inaayos ko ang mga damit ko habang si Mikael naman, kinukuha ‘yung toiletries ko sa cr.

“Yes, it is. Can you hurry up?”dumungaw siya sa may pinto ng banyo para silipin ako. “Ilang araw ba tayo ‘dun?”tanong ko habang tinitiklop  ang damit ko.

“Two to three weeks.”

“And what are we going to do there?” nahiya pa, hindi pa ginawang isang buwan.

“Bakit ba napakaingay mo?” tanong niya sa akin. “Nagtatanong lang naman ako e,” I frown. Sungit talaga nito. Pasalamat siya mahal ko siya e.

Hindi naman siya sumagot sa akin. Kinuha ko ‘yung phone ko at tinignan kung may message from Kuya. Wala naman. Wala man lang bang nag-aalalang wala ako? Just because they have a girl to fuck with, nakakalimutan na nilang may kapatid pa sila. Bahala sila. Tatawagan ko nalang si mommy kapag nakarating na kami ni Mikael sa pupuntahan namin. I missed her. Ayun lang naman ang kumukunsinti sa mga kalokohan ko e. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga.

“Are you okay?” tumabi sa akin si Mikael at inabot sa akin ‘yung maliit na bag. “Yeah,” I sighed again. “Let’s go?” I turned off my phone at kinuha ‘yung bag ko. Si Mikael naman nagbuhat nung malaking bag. “Wala ka na bang naiwan?” tanong niya bago kami lumabas nung unit.

I mentally checked my baggage. Nilagay ko naman na ang damit ko, some shoes, make-up, toiletries, medicines… “I’m good to go,” ngumiti ako ng tipid sakanya.

Naglakad na kaming dalawa para maghintay sa elevator. I have this feeling na nakatitig siya sa likuran ko kaya nilingon ko siya. Bigla namang pumaling sa kaliwa ang ulo ni Mikael.

Hindi ko pa sinasabi sakanya ‘yung nangyari sa sinehan. Wala namang nangyari, actually. Lance kissed me pero walang nagyari. Sa ngayon, hindi ko pa nakakausap ulit si Lance. I actually don’t know where he is. Hindi ko din naman kasi alam kung paano ko sasabihin kay Mikael.

Humarap nalang ako ulit tapos naghintay sa elevator. May dalawang lalaki at isang babaeng sakay ‘yung elevator ng pumasok kaming dalawa. Sa may bandang likod ako pumuwesto, nasa harap ko naman si Mikael.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon