Chapter 1

734K 9K 529
                                    

Twitter – vampiremims

Askfm – vampiremims

Facebook – fb.com/purplevampx

Group – Bedwarmers

Page – Vampiremims’ stories

 

 

Vote. Comment. Fan. Thanks!

 

-------

 

 

Maaga akong nagising dahil na din sa may lakad kami ngayon. May photoshoot kami nila Mikael sa isang beach. We will be there for a week. I’m not really sure and okay lang naman sa akin kahit na ilang lingo kami dun… kasama ko naman si Mikael e.

I checked my phone kung nagmessage na ‘yung boyfriend ko. Hindi ko maiwasang mapangiti tuwing sasabihin kong boyfriend ko si Mikael. I know I’m the unwanted girlfriend here pero pwede namang magustuhan din ako nun e. Walang imposible.

Walang message from him. What a sweet boyfriend! My gosh! Sana man lang kahit isang tuldok nagtext siya para man lang malaman kong buhay pa siya at naiisip niya ako. Psh!

As usual… ako na naman ang mauunang magtext. Ganun naman lagi e! Kapag naunang magtext si Mikael sa akin, iisipin ko na nun na in love na siya sa akin! Tss.

To : My other half  <3

Hey. Good morning. See you later =)

Magtatype sana ako ng ‘I love you’ kaso, huwag na. Lagi nalang din ako ang nagsasabi nun. Huwag na muna ngayon. Mamaya nalang.

I stare at my phone’s screen pero almost 10 minutes na ang lumipas pero wala pa ding siyang reply. Kainis namang lalaki ‘yun! Buti pa sa facebook, may ‘seen’ e. nakikita mo kung nakita ng sinendan mo ‘yung message mo at binalewala ka. Eh sa text? Pero baka naman kasi hindi pa niya nababasa? O kaya… lowbatt? Pwede ding naliligo siya kaya hindi siya makareply?

D-amn! Ako pa ang nagbigay ng reasons kung bakit hindi ako nirereplyan nung tao. Inilapag ko nalang ang cellphone ko sa bedside table ko. Siyempre, naka-todo ang sound ng alert tone ko para if ever mag-reply siya.

Tumayo na ako para mag-ayos. Naka-ayos naman na ang gamit ko for this activity. OA ba kung tatlong malaking bag ang dala ko kung 1 week lang kami? Hindi diba? Eh madami akong gamit e! Buti nga napilit ako ni Yaya Lourdes na tatlong bag lang. Lima dapat ‘yan e.

Papasok na ako sa bathroom ng marinig ko ang alert tone ko. Nagmamadali kong pinuntahan ang cellphone ko para tignan kung si Mikael na ‘yung nagreply.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon