Chapter 27

304K 5.3K 320
                                    

Here’s the karugtong :P Lame talaga ‘yung last. Matutulog na ako ng maaga, promise!

Ang gwapo ni Jeric Raval. Fishtea.

 

--------

 

“What are we going to do now, Alonzo?” I heard my mom sobbed. Nasa labas ako ng library. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sakanila na tama na. Ayoko na din naman. Ayokong nakikitang nahihirapan sila at ayokong umaasa sa bagay na imposible na.

 

“We’ll look for a donor, Laura. I’m not going to give her up just like that, she’s our princess. Hindi ako papayag na mawala siya sa atin.”

 

I badly wanted to open the door and tell them that I’m fine. Hindi nila kailangan magpakapagod sa paghahanap. Sinong matinong tao ang ibibigay ang puso niya para sa isang tao? Sino ba ako para may magdonate sa akin ng puso ng ganun-ganun lang? I am nothing.

 

“Dad, I already talked to some of the directors of the biggest hospital and told them we’ll need a heart for Miki. We’re in the top priority in their list and they’re looking for a donor, too. The only problem we have is… will it be compatible to Miki’s heart? We tried it before… sinusubukan palang operahan si Mikaela, hindi na tinatanggap ng katawan niya.”

 

“But we can’t just give her up, Thunder,” Hunter hissed. Napasandal nalang ako sa pinto. Lahat sila namomroblema sa akin. I never wanted this. Ayokong may mga taong nahihirapan ng dahil sa akin. I’m living my life to the fullest. Hindi nila ako pinapasok sa school dahil ayaw nilang mapagod ako but I get the chance to travel the world. Nagkaroon ako ng kaibigan… nagkaroon ako ng magagawa sa buhay which is modeling… nakilala ko si Mikael.

 

“I know, Hunter. I know. And I’m not going to give her up just like that. There’s no way in hell na pababayaan kong mawala si Mikaela.”

 

“Thunder, Hunter… make your sister happy. She needs us,” my mom cried. I covered my lips with my hands. Tama na… huwag na nating ipilit, please? Mas lalo niyo lang akong pinahihirapan dahil nakikita ko kayong nagkakaganyan.

 

“Mom, we’ll do everything for her. I promise, gagawa ako ng paraan para gumaling siya.” I can feel pain in Kuya Thunder’s voice. I know marami kaming hindi pagkakasunduang tatlo but I love them so much… mahal na mahal ko silang dalawa. Masakit sa akin na nakikita ko silang dalawa na nag-aaway, na hindi pa din nagkakasundo.

 

“Napakabata niya pa, lumalaban na siya sa sakit niya…” my mom started again. Ipinanganak akong mahina na talaga ‘yung puso. They never thought na aabot ako ng 20 pero here I am, 21 na ako… pero alam naming lahat na any moment, pwede akong mawala. What I need is a new heart na ipapalit sa puso ko.

 

Everyone thought na ang swerte swerte ko. I’ve got the face, the money, I have two brothers na gwapo, parents na understanding… sabi pa nga ng iba, kahit na hindi ako magtrabaho buong buhay ko, mabubuhay ako… pero alam naming hindi totoo ‘yun. Kahit gaano pa karaming pera ang meron kami… hindi naman kayang dugtungan nun ang buhay ko. Hanggang dito nalang ako.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon