Chapter 33

281K 5.3K 704
                                    

Vote. Comment. Fan. Iyak :P Hahahaha

 

---------------

 

“Everything’s okay, Lance. Ayos na ang gamit ko.” Lumapit ako sakanya at iniabot ang passport ko. “Ikaw na humawak.”

He looked at my hand. “Are you sure about this, Mika?” I nodded. “Just take it.” Reluctantly, inabot niya ang passport ko. Mamayang madaling araw ang flight namin papuntang Italy.  I agreed to come with him. Gusto kong lumayo. Gusto ko siyang makalimutan kahit alam kong napakaimposible nun. Kahit alam kong hindi ko kaya.

Hinawakan ni Lance ang kamay ko at hinila ako para yakapin. “It’s okay to cry, Mika. Don’t keep it to yourself. I’m here for you,” he whispered.

I closed my eyes. Ayoko na umiyak. Ayoko na kasi alam ko kapag umiyak ako, magmumukha lang akong mahina. Magmumukha lang akong babaeng pabigat at kinakailangan alagaan. Ayoko na maging ‘yung dating Mikaela.

“I’m fine,” I murmur. “I’m fine.” I said in a louder voice. I’m trying to convince everyone to believe that I’m fine. Lahat ng nagtanong sa akin kung okay lang ako, halos recorded na ang nasasagot kong “Of course, I’m fine.” Okay lang naman kasi talaga. Masakit… sobrang sakit pero okay lang. Niloloko ko lang naman ang lahat… pati ang sarili ko.

“You’re a strong girl, Mikaela. You’ll get through this.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. “Ikaw pa ba? Nagawa mo nga ang operation, ano pa ba ang pagmomove-on, diba?” he smiled to me. I nodded. Madali lang naman kasing sabihin na madaling magmove-on. Pero nakakamatay gawin.

“4 am pa naman ang flight natin, may pupuntahan tayo mamaya.”

“Where?” I asked him. Saan na naman kaya ako dadalhin ng lalaking ‘to?

“Basta,” he winked at me. I shrugged. Bahala na. Last day ko na din naman dito sa Pilipinas e. Might as well, enjoy this day.

“Michelle?” bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip si Kuya Hunter. “What?” I asked him.

“Ang sungit mo talaga, taba.” He grins. I rolled my eyes. “Kung mang-aasar ka lang, go away. Wala akong oras.”

“Pasalamat ka, medyo maganda ka.” Pumasok na siya at umupo sa kama matapos batiin si Lance. “Kain tayo?” aya niya sa akin. “Takaw.”

Lumabas naman muna si Lance para ilagay sa kotse niya ang ibang gamit ko.

“Come on, I’ll treat you. Tutal nabiktima ka ng forever e.”

Binato ko siya ng unan. “Can you please shut up?” I said harshly. Nakakainis talaga.

“I’m just kidding,” he shrugged. “Kapag napatay namin si Kerko, walang sisihan, okay?”

Tinitigan ko siya ng masama. Natawa naman siya. “Kaya hindi ako naniniwala sa love e. Nasaktan ka na mahal mo pa din? Ganyan ka ba katanga? Dela Cruz ka, Michelle. Wala sa bukabolaryo natin ang naghahabol.”

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]On viuen les histories. Descobreix ara