Chapter 8

488K 6.9K 381
                                    

#UnwantedGirlfriend

 

Vote. Comment. Fan. Thanks!

 

 

-----------

 

 

“Mikaela Michelle… sumama ka na sa amin, okay?” napapikit nalang ako ng marinig ko ulit magsalita si Maha. Ugh! Ang aga-aga, nagconference call na agad kamaing tatlo. Gusto ko pang matulog! Kababalik lang naming kahapon nila Mikael e.

“Mika, sasabunutan kita kapag hindi ka sumama.” Pagbabanta naman ni Cielo. Seriously? Sa aming tatlo, si Cielo ang pinaka-sadista. Si Maha naman… well, sadista din ‘yan. ‘di lang halata.

“Gusto ko pa ngang matulog!” I hissed. I’m still lying on my bed, earphone on, eyes closed. Napilitan lang akong sagutin ang tawag nila dahil halos 100 times na nila akong tinatawagan.

“Hindi pwede! Kababalik lang namin ni Maha, kaya kailangan sumama ka sa amin!” madiing sagot ni Cielo. Minsan masaya din atang walang kaibigan lalo na kung ganyan sila.

“Oo nga naman, and besides, may ipapakilala kami sa’yo at ikaw sa amin!” bakas ang kasiyahan sa tinig ni Maha ng magsalita siya. “What do you mean?” bumangon nalang ako at sumandal sa headrest.

“Basta sumama ka nalang sa amin mamaya!” tinig na naman ni Cielo ang narinig ko. I rolled my eyes. Gusto ko pa ngang matulog!

“Isama mo na din ang boyfriend mo ha? Kbye!” hindi na ako nakasagot dahil binaba na nila ang tawag. Parang nagising naman ang diwa ko sa sinabi ni Maha. Isasama ko si Mikael?! Saan ba kami pupunta?

I messaged them both to know what the plan is. Nagreply naman sila sa akin.

‘Fairytale Mall. 1 pm. Bring your boyfriend.’

‘yan lang ang nireply nilang dalawa sa akin. Like what the hell? Anong meron?! At bakit kailangang kasama ko si Mikael? Ano na namang plano nitong dalawang ‘to?

I looked at my phone’s clock. 10 am. Gusto ko pa talagang matulog! Nakakabwisit si Cielo at Maha.

Bumangon na ako at kumuha ng gamit para maligo. Wala akong suot na accessories kapag natutulog pero hindi ko kayang tanggalin ‘yung bracelet ko. I looked at it and smiled. Pareho kaming meron ni Mikael nito. Kamusta na kaya ‘yun?

Naligo na ako at nag-ayos. Pupuntahan ko pa sila Cielo and honestly, hindi ko naman alam kung sasama sa akin si Mikael e.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon