Chapter 48

244K 5.1K 243
                                    

Follow the UG characters on twitter.

@MikaelaDC_ @KMAnderson_ @EdwardLance_ @CieloFigaroa

Twitter, askfm, IG: @vampiremims

 

---------

Kerko’s POV

 

“Mikaela…” I smiled bitterly as I heard her voice. Kailan ko lang nakita ‘yung voice message niya sa cellphone ko nang maisipan kong tignan ang mga nasa files ko. This was the time when she’s still the bubbly, playful and lively Mikaela. Ngayon, ibang-iba na siya.

She’s now proud of herself dahil alam niya na kaya na niya. ‘Yung masayahing babae na laging nakangiti, ‘yung babaeng simple lang ang kaligayahan kahit na may kaartehan sa katawan, ‘yung noob na simpleng bagay lang, hindi maintindihan, ‘yung babaeng mahal ako… nagbago na siya.

 I looked around. Every part of my house reminds me of her. The darkness of this abode makes me long for her even more. Sa bawat sulok ng bahay ko, naaalala ko siya. Sa sofa kung saan siya laging umuupo at kung minsan humihiga pa habang nakatingin sa akin. Sa kusina na ginagawa niyang crime scene kapag nagluluto siya. Sa hagdan kung saan siya umuupo kapag hinihintay niya akong makauwi kapag naiiwan ko siya dito. Sa kwarto ko kung saan siya natutulog dahil natatakot siyang matulog mag-isa dahil naniniwala siyang may multo. Sa may garden kung saan lagi ko siyang naaabutang kausap ang mga bulaklak ‘dun. Sa swimming pool na hindi miminsan niyang sinubukang i-seduce ako, pero sa dulo, takot din naman at aatras.

I missed her. I terribly missed her.

Why do I even have to feel like this towards her? Akala ko nung una, walang chance na mamahalin ko siya e. She’s Mikaela Michelle Dela Cruz. Noob, clumsy, brat. She’s the total opposite of the girl I have in my mind. Ang gusto ko, babaeng kayang dalhin ang sarili. Babaeng hindi lampa, babaeng kaya akong ipagluto ng gusto ko. Not her… but then, when it comes to her, gusto ko ako ang magsisilbi sakanya. She’s my princess. I love her. I am so in love with her.

“Cause you’re the apple to my pie, you’re the straw to my berry. You’re the smoke to my high, and you’re the one, I want to marry. Cause you’re the one for me, and I’m the one for you, you take the both of us, and we’re the perfect two, baby me and you… we’re the perfect two.”

Ipinikit ko ang mata ko ng nararamdaman kong nag-iinit ito. I need to endure this f-ucking pain because I know, the moment I let her go, wala nang balikan. Kailangan kong tanggapin ang consequence ng ginawa ko.

“Hi, Mikael ko!”

I opened my eyes when I heard her. May message sa dulo ng kanta niya. “Sorry, pinakelaman ko ang phone mo,” she followed it with a giggle. “I just want you to know that I love you. I love you so much, Superman. I love you, Kerko Mikael Anderson. I love you, My Mikael ko. Thank you for accepting me for who I am. Promise, mag-aaral akong magtimpla ng kape, mag-aaral ako magluto at mag-aaral akong magdrive. It’ll be you and me against the world, okay? Don’t you ever dare leave me dahil ako, hindi kita iiwan… not unless pipilitin mo akong gawin ‘yun. Ang swear, mahihirapan kang ipagtabuyan ako.” She giggled again. “Always take care of yourself, okay? I love you!”

“I love you, more, Mika.”

Kasalanan ko naman kung bakit kami umabot sa ganito. I let her go. I pushed her away. I can still remember the day she begged to me to take her back again… I badly wanted to do so but I can’t. Kasi ayoko nang mahirapan pa siya e.

Sa akin na umiikot ang mundo ni Mikaela. Her family doesn’t want me and I don’t want her to have problems with them just because of me.

Kung kailan sigurado na ako sa nararamdaman ko para sakanya, kainailangan ko namang iwan siya. Kailangan ko siyang saktan. I am such a jerk for doing that and now… she’s getting married with Saavedra.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon