Chapter 28

353K 5.3K 338
                                    

HAPPY BIRTHDAY, CNJ/JAE =) Late.

 

----------

“I’m not invalid, Mikael… akin na nga ‘yan,” kinukuha ko sakanya ‘yung kutsara para ako nalang ang kakain mag-isa but he’s insisting na subuan ako. Kaya ayoko din na pinapaalam sa lahat ang sakit ko e. Kasi ayokong makaramdam sila ng awa sa akin. What if ginagawa lang ‘to ni Mikael dahil naaawa siya sa akin? What if nakokonsensya lang siya sa lahat ng pagsusungit at pang-aasar niya sa akin?

“I know your not, okay? I just want to do this, pabayaan mo na nga lang ako,” he smiled a little at sinubuan ako ulit. Honestly, ayoko ng pagkain sa hospital. Walang lasa! My gosh! Mamamatay nalang ako, ‘yung mga kakainin ko pa, walang lasa. Mas nakakainis tuloy.

“Puro strawberry flavored foods ang kinakain mo,” he whispered. “Ang pangit kasi ng lasa nung food nila dito,” I said in a low voice dahil may pumasok na nurse. Wait, bakit ibang nurse na naman ‘to? Kumunot ang noo ko.

“Hello, ma’am…” she said to me then she looked at Mikael, “Hello,” she said smiling. Tumaas naman agad ang kilay ko. “What do you need?” tanong ko. Kakapunta lang kasi ng isang nurse kanina, 15 minutes ago, may nurse na naman? Ibang nurse din ang nagpunta an hour ago ah? Anong meron? Shifting every 15-30 minutes?

“Ichecheck ko lang po ang dextrose niyo,” sagot niya sa akin. Nilingon ko naman ‘yung IV fluid ko na nakasabit sa gilid. Medyo paubos na nga. Okay, medyo may sense ang pagpunta niya dito. Napalingon ako sa may pinto at may nakita akong dalawang nurse na nakasilip. Kumunot na naman ang noo ko at sinundan ko kung saan ba sila nakatingin—kay Mikael.

“What’s with the face, Mika?” he asked me. Inilapag niya sa may lamesa ‘yung tray na may pagkain ko. “Wala.” I frowned.

“May alcohol po ba kayo, sir?” tanong nung nurse kay Mikael. “Yeah, here.” Iniabot ni Mikael ‘yung alcohol sa gilid. “Cotton po, meron?” tanong ulit ng nurse. Iniabot naman ulit ni Mikael. “Tape po, meron kayo?” kumunot man ang noo, iniabot pa din niya ang hinihingi nung babae. “Meron po ba kayong—“

“Ano pa bang kailangan mo?!” I hissed. Nakakainis na ah? Kahit medyo nanghihina pa ako, sasapakin ko ‘tong babaeng ‘to!

“Wa-wala na po…” sagot naman ng babae. Nagulat naman ako ng bigla niyang hinawakan ‘yung nakakabit sa kamay ko, “What are you going to do?” kumunot ang noo ko. Papalitan na naman nila?

“Ma’am, kailangan po kasing palitan na ulit ‘yung pagkakatusok e. Ililipat po sa kabila…” she said. “What?!” Ayaw! Grabe… nung nilagay nila ‘to sa kamay ko, tulog ako kaya hindi ko naramdaman ‘yung sakit… and besides… blood!

“Mika,” hinawakan ni Mikael ang kamay ko. “It’ll be fine…” he gently squeezed my hand. “Ayoko…” I looked at him, teary-eyed. Sasapakin ko talaga ‘tong babaeng ‘to, promise!

“Ma’am…” hinawakan niya ang kamay ko pero hinila ko agad. “Ayoko, okay?!” I hissed. Tumayo si Mikael at umupo sa gilid ng kama ko. Sa kabilang side. Nasa left side kasi ‘yung nurse at nasa right si Mikael kanina pero lumipat siya sa left side ko at niyakap ako. “I’m here… okay lang ‘yan,” he whispered. “Sige na, miss.” I heard him talking to the nurse. “I hate you…” I whispered to him. Paano siya pumayag na gawin sa akin ng nurse ‘to?

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon