Chapter 34

291K 5.2K 771
                                    

Tatawid muna ng kwento si Stephanie. Walang magulo! Hahahahaha. Ayaw ni Mika mag-POV. Si Kerko, sa dulo na daw.  Pero #KerkoMims na talaga :P Hahahaha. 

Watch the video on the side. Gawa po ni Zeke (Hunter’s Op).

 

-------------

Stephanie

 

 

“Okay ka lang?” inilapag ko sa harap ni Kerko ‘yung inorder niyang cappuccino at ‘yung strawberry cake. He nodded. “Kerko, you can talk to me.”

“Wala namang dapat pag-usapan diba?” he smiled pero hindi umabot sa mata niya ‘yung ngiti niya. He’s obviously hurting and I don’t know kung bakit kailangan niyang gawin ‘to. Hindi ko siya naiintindihan.

“You’re hurting her.”

“I know, Steph. I know.”

“Why? Hindi ko kasi naiintindihan kung bakit mo siya kailangan saktan. You’re in love with her, right?”

“Paano kung sabihin kong ikaw pa rin?” tanong niya sa akin.

“Kerko, kilala kita. You never looked at me the way you looked at her. Si Mika lang nakapagpalabas ng totoong ikaw. Si Mika lang ‘yung babaeng kahit inis na inis ka na, hindi mo matitiis. Si Mika lang ‘yung babaeng para sa’yo. Hindi mo ako mahal katulad ng pagmamahal mo sakanya.”

“Wala na siya.”

“Because you let her go. Tinaboy mo siya palayo and I can’t understand why.” I sighed. “Was it because of Hunter? Thunder? Anong dahilan mo?”

“Nothing.”

Kerko’s being Kerko again. Ayaw ishare ang nararamdaman. Ayaw sabihin kung nasasaktan nab a siya. Ayaw ipaalam sa mundo na kailangan niya ng tulong. Mas okay pa na magmukha siyang masama kesa malaman ng iba kung ano ba ang dahilan niya. Wala naman kasi siyang pakialam sa sasabihin ng iba—katulad noon—bago dumating si Mikaela.

“You’re not ready to talk about it. I get it.”

“Steph, she’ll be fine, right? Magiging okay din naman siya, diba?” nararamdaman ko ‘yung sakit sa boses niya. Nasasaktan siya pero pilit niyang itago.

“I don’t know. Sana maging okay siya. She loves you so much, Kerko. Mahal na mahal ka ni Mika at alam kong nasasaktan siya ng sobra sa nangyari.”

“Alam ko.”

“Kerko…”

Kinuha niya ‘yung strawberry sa ibabaw ng cake niya at tintigan ito. “Kung andito si Mika, kanina pa ubos ang strawberry cakes niyo dito,” he smiled. “Napaka-strawberry addict nun e.”

Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sakanya. “Kung andito si Mika, malamang kanina pa ako hinila palabas nun kasi selosa ‘yun e. Pinagseselosan ka niya kahit hindi naman dapat. Kahit sinabi ko na sakanya na wala siyang dapat ikaselos sa’yo.”

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon