Epilogue

80.7K 2K 368
                                    

Epilogue

"Tangina!! Ang sakit!!" sigaw ni Jackie habang nag-llabor at nakakapit sa braso ni Stanley na halos magdugo na dahil sa kuko nito.

"Wag ka ngang maingay!" bulong sa kanya ni Stanley.

"Bakit nung sa sarap magkasama tayo pero bakit nung hirap ako na lang?!!" sigaw ni Jackie at lalong hinigpitan nito ang pagkapit sa balikat ni Stan ng sumunod na contraction.

"ANG SAKIT!!" pinahid niya ang pawis ng asawa na kanina pa hirap sa pag-llabor.

"HINDING HINDI NA KO BABALIK DITO?! LAST NA'TO!!" sigaw pa ni Jackie.

"Sus. Last year sinabi mo din yan." biglang singit ni Sheila. Full Force ang magkakaibigan at sinamahan pa si Jackie hanggang labor room samantalang ang mga asawa nito naman ay naghihintay lamang sa lounge.

"Wag ka ngang ewan!" irap ni Jackie sa kaibigan.

***

Noong kasal nina Jackie at Stanley isang taon na ang nakakaraan ay nakilala na nito ang mga kaibigan ng asawa na sina Brooke, Bianca at Sheila kasama ang mga asawa at anak nito. Ganoon na lamang ang kanilang pagkagulat ng makilala si Stanley, ang bartender na nag-alok sa kanila ng 13 Hell Shots noong mga panahong problemado sila. Dahil doon naniwala na sila na may asawa na nga si Jackie.

Naging malapit na magkakaibigan ang apat na pares lalo pa't matagal na pa lang kilala ni Brooke si Stanley na naging kaibigan niya noon sa Puerto Azul. Si Jackie na nga lamang ata ang huli sa balita at dahil na rin hindi magtagpo ang kani-kanilang mga landas.

Sino nga ba ang mag-aakala na ang apat na magagandang babae na may iba't-ibang personalidad ay magiging matalik na magkakaibigan. Iba't-iba man ang perception nila sa isa't-isa, madalas mang magkabangaan ay nariyan pa din sila upang magdamayan. Sa kabila ng mga pagsubok na dumaan sa bawat isa ay hindi nawala ang mga kaibigan na laging nariyan.

Si Brooke Crisostomo. Isang photographer at anak ng may ari ng Crisostomo Real State Corpotion ay kilala bilang isang mahinhin at hindi makabasag pinggan. Ngunit ng makilala niya si Yvo Villena ay unti-unti niyang nailabas ang ugaling hindi niya alam na tataglayin niya. Isang matapang at bold na dalaga. 

How ironic, sa kanilang magkakaibigan ay ni sa hinagap ay di mo iisipin na ibibigay niya ang kanyang sarili sa isang estranghero gayong ganoon na lamang ang pagpapahalaga niya sa kanyang sarili, samantalang ang kanyang mga kabigan na kilala sa pagiging bold at liberated ay nagpakasal muna bago ibigay ang sarili sa mga kabiyak nito.

Si Bianca Alvarez. Isang Interior Designer. Sa kabila ng pagiging wild and party girl nito ay ang isang babaeng lihim na nagmamahal sa kanyang bayaw. Isinakripisyo niya ang kanyang malayang pamumuhay upang matali sa isang kasal at tumayong ina sa kanyang mga pamangkin na nangangailangan ng isang ina. Matiyaga siyang maghintay hanggang sa ibigin na siya ng kanyang asawa na si Lyndon Ronquillo? Sino nga ba ang hindi hahanga sa sakripisyo niya bilang kapatid, asawa at ina?

Si Sheila Estevan. Isang Architect. Pinilit niyang lumayo sa pag-ibig ngunit ito na mismo ang lumapit sa kanya hanggang sa mahulog ang loob niya kay King Romualde. Dahil dala ng kabataan at kapusukan ay maagang nagpakasal ang dalawa ngunit dahil sa sunud-sunod na pagsubok na dumating sa kanilang mag-asawa ay pinili ni King ang iwan na lamang siya habang siya naman ay naiwang miserable dahil minahal niya ng lubos ang lalaki na naging dahilan upang isakripisyo niya ang kanyang mga pangarap.

Muli siyang bumangon at tinupad ang mga pangarap niya. Muli ay naging mailap siya sa mga lalaki, pilit isinubsob sa trabaho ang lahat ng kanyang kalungkutan ngunit bumalik si King upang hilumin ang puso niyang ito mismo ang sumira. Ngunit paano kung huli na ang lahat? Nagawa na niyang hilumin ang puso niyang mag-isa at hindi na kailangan ito. Masakit man sa kanya ay kailangan na niya itong iwan at magsimula ng bagong buhay. Buhay na hindi na kasama ito, hanggang sa matagpuan na niya ang tunay na pag-ibig kapiling si Engr. Luigi Cueva. Nakakatuwa nga lang na sa hinahaba haba ng prusisyon kay Luigi lang pala siya matutuloy na naging ex boyfriend ng kanyang kaibigan na si Bianca.

At huli si Jacques Dimaguiba. Isang Real State Agent. Ang taklesa, palengkera ngunit maabilidad. Sa likod ng kanyang mga ngiti at tawa ay isang babaeng puno ng insekyuridad dahil sa kanilang magkakaibigan ay siya lamang ang naiiba. Ang kanyang mga kaibigan ay kilala bilang edukada at disente, sa kabila noon ay naging totoo pa din siya sa kanyang sarili, ipinapakita niya at sinasabi kung ano nga ba ang kanyang nararamdaman na nagiging sanhi upang husgahan siya ng mga taong hindi naman siya lubos na kilala.

Hanggang sa makilala niya si Stanley de Vera. Ang lalaking minahal niya na kahit sa una pa lamang ay hinusgahan na ang kanyang pagktao. Hindi siya nagbago para lang mapa-ibig ito kundi minahal siya nito kung sino at ano pa man siya. She's too charming in her own way kahit na balahura pa siyang magsalita.

Sa ngayon ay may dalawang anak na si Brooke at Yvo, si Yvo na ang namamahala ng Real State Corporation na ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang father-in-law.Si Bianca naman masaya na sa pamilya niya, itinuring niyang parang sariling mga anak sina Elaine at Ivan na anak ni Lyndon sa kanyang kapatid. Mayroon na din silang isang anak. Si Sheila and Luigi naman ay mag-mmigrate na sa Canada next year pagkatapos manganak ni Sheila sa kanilang panganay. At si Jackie naman ay buhay reyna dahil si Stanley na ang namamahala sa kompanyang iniwan ng ama nito, mayroon na silang dalawang anak na isang taon lamang ang pagitan.

Kung minsan, kahit gaano pa kayo katagal na magkaibigan ay hindi niyo pa rin masasabing lubos  niyo nang kilala ang isa't-isa. Katulad nina Brooke, Bianca, Sheila at Jackie. Dahil sa mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay ay mas nakilala nila ang isa't-isa, nawala ang kanya-kanyang isipin tulad na lamang ng "Hindi na virgin si ganyan kasi ganito...". Mali! Minsan kung ano yung nakikita mo sa isang tao ay siyang ang kabaligtaran ng ugali nito. 

Dahil walang makakaalam kung kailan mangyayari ang THE VIRGIN'S FIRST NIGHT.

END of The Virgin's First Night Series


Thank you sa lahat ng suporta sa The Virgin's First Night Series. :) Loveyouuuu guys!

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Virgin's First Night 4: The 13 Hell Shots 🎉
The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon