Chapter 31

59.5K 923 122
                                    

Chapter 31

Alicia's POV

Isa talaga akong sawi sa pag-ibig! Hay buhay! Bakit ganun hindi ko pa ata nakikilala yung meant to be ko. Sobrang late naman na ata Lord! Akala ko naman may second chance na kami ni Sander yun pala sa sarili ko pa siyang anak magkaka-gusto. Nakakalokang life! Forever alone na lang ata ang peg ko. Pahingi namang lovelife!!

Rumarampa rampa lang ako dito sa mall kasi naman 'tong si Jackie naging busy nitong mga nakaraan hindi ko naman alam kung saan busy atsaka lumipat na sila ni Stanley sa sarli nilang unit. Ang swerte lang din ng anak ko kasi nakapag-asawa siya ng mayaman. Pinalaki ko siyang ganun eh. Pinalaki ko siya na pera at yung kakainin muna naming mag-ina yung iisipin bago yung ibang bagay kaya masaya ako na kuntento na siya sa buhay niya ngayon at nakukuha na niya yung mga bagay na dati hanggang pangarap lang namin. Masaya din ako na naabot niya lahat ng pangarap niya na hindi kami gumagawa ng masama. Anak ng! Ano ba 'tong dinadrama ko. Hindi sakin bagay!

At dahil nga pasarap buhay na lang ako, isinama ko si Patricia na magliwaliw dito sa mall. Echuserang bakla na'to! Dinaig pa boobs ko! Puta! So siyempre nagmamaganda lang kami dito sa mall at hanap ng mga gwapo. Shet! Ang babagets naman nung iba tapos yung iba kay Patricia nagpapa-cute. Aba! Malapit ng samain sakin 'tong baklang ex ni Jackie ah. Sinasapawan beauty ko!!

"Nakakamiss naman si Jackie sa mga ganito. Kalurks! Bakit nagkalat gwapo at foreigners here mudrabels?!!" binatukan ko lang si Pat.

"Maka-mudra ka naman. Naiisip ko tuloy ikaw son-in-law ko. Yuck! Ahaha." biro ko kay Pat na inirapan lang ako.

"Eschusera lang ha? Wititit! Tumataba ata si Jacques jontis ba mudra?" biglang tanong sa akin ni Pat. Jontis nga ba? Wala naman akong napapansin bukod sa pagiging matakaw at antukin niya.

"Wit akez knowings eh." sagot ko na lang sa tanong ni Pat. Oo nga no? Hindi ko ata natatanong?! Kaloka!!

Magsasalita pa sana ako ng bigla akong mapahinto. Trulalu ba itech?!! I mean yung lalaking nasa harapan ko ngayon?!! Pucha!! Kinusot ko pa yung mga mata ko para makasiguro. At bakit napunta ang hinayupak na lalaking 'to dito sa teritoryo ko?!! After 24 fvcking years?!!

"Adrien  Moreau!!"

Jackie's POV

"San ka na naman pupunta? Linggong linggo ah." tanong sa akin ni Stanley habang nagbabasa siya ng diyaryo at umiinom ng kape. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Nag-aaya kasi sina Bianca, dumating kasi galing America si Luigi yung kaibigan namin nung college." oy half truth naman yung sinabi ko na dumating yung ex ni Bianca na si Luigi pero hindi naman totoo yung makikipagkita ako. Hay. Ilang linggo na din akong nagsisinungaling kay Stan. Ayoko man pero alam kong mag-aaway lang kami. 3 weeks na akong naka-leave sa trabaho pero ang alam niya pumapasok pa din ako sa opisina. I'm so sorry darling.

"Gagabihin ka ulit?" asawang asawa dating ni Stanley ngayon ah. Amp. Lalo tuloy akong nakokonsensya. Bakit siya ganito? Sanay na sanay naman akong magsinungaling pero bakit pagdating sa kanya nahihirapan ako.

"A-ahmm..Depende siguro if nagkatuwaan sa kwentuhan. Hehe." Kaloka! Humalik na ako sa pisngi niya bago pa siya magtanong or awatin ako.

Good thing hindi pa nakikilala ni Stan yung mga kaibigan ko so ibig sabihin wala siyang contact sa mga yun. Ayos na din pala yun. Tinext ko na lang si Pat na if hahanapin man ako ni Stan sabihin niya na kasama ko sina Biancx. Nagsisinungaling ako sa asawa ko. Huhu. Anyway, kailangan kong dumaan sa grocery store para mamili nung mga kailangan sa bahay then sa pharmacy. Ang dami pang kulang eh. Hay.

Siya nga pala successful yung plan namin ni Bianca! Akala ko aabutin pa kami ng Plan Z eh. Haha. Nabwisit na ko kaya ako na mismo yung gumawa ng paraan para sa kanila, aba may sarili din akong lovelife no! Naisingit ko pa talaga yung mga kalokohan ko sa gitna ng problema. Super woman talaga ko eh! Hahaha.

Nag drive lang ako sa pinaka malapit na PureGold at nag grocery then nagpunta na ako sa Pharmacy para bilhin yung mga paubos ng gamot. Ano kayang masarap na iluto? Inaral ko pa talaga yun eh. Haha. Nang makatapos mamili ay dumiretso na ako sa village agad naman akong pinapasok nung guard. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad akong dumiretso sa kusina para i-ayos yung mga pinamili ko and hinanda ko na din yung ingredients ng mga lulutuin ko.

"Sana magustuhan niya 'to" sabi ko sa sarili ko habang nagsimula ng magluto at ihanda yung salad. Hinanap ko pa talaga sa internet 'to. Sabagay kahit ano namang iluto kinakain niya eh. Haha. Nang makatapos iluto yung pasta ay itinabi ko na muna yun at inalis yung apron.

Naglakad ako papunta sa second floor at marahang kumatok sa pintuan. Agad akong ngumiti sa kanya at tumabi sa kanya habang siya naman ay nagbabasa ng diyaryo.

"Hay nako, diba ang sabi ng doctor bawal sayo ang kape? Ang kulit mo talaga eh." inagaw ko sa kanya yung kape kaya naman tumawa lang siya at umiling.

"Opo Nurse!" inirapan ko na lang siya at natawa na din.

"Hay nako Sander de Vera alagaan mo nga yang katawan mo." inagaw ko na din sa kanya yung diyaryo. Haha. Nakakadagdag stress lang yun eh.

"Lahat na lang bawal. Eh bagot na bagot na ko dito sa mansion. Ipasyal mo naman ako minsan Jackie." panlalambing pa sa akin ni Sander. Haha.

"Hmm. Next time na lang, bawal akong gabihin ngayon eh. Nakakahalata na si Stanley." grabe lang 'tong usapan namin ni Sander akala mo may secret affair lang kami. Haha. Inaalagaan ko kasi siya. Alam na kailangan niya ng tanong mag-aalaga sa kanya. Kainis nga si Stan kahit isang dalaw hindi man lang ginawa. Nyeta. Joke. Hahaha.

"Hay. Baka mamaya mahuli ka pa ng asawa mo mag-away pa kayo, sabi ko naman kasi okay lang ako." malungkot na sabi ni Sander. Itinaas ko yung mukha niya at iniharap sa akin.

"Tumigil ka nga! Ayan ka na naman eh. Haha." tumawa na lang ako.

Napatigil kami sa pagkkwentuhan ni Sander ng marinig ko yung doorbell. Sunud-sunod yung pagpindot sa doorbell. Nasan kaya yung mga katulong? Hindi man lang pagbuksan ng pinto yung tao sa labas nakakainis lang tuloy yung kakulitan.

"Baka yan na yung pinadeliver kong pizza. Hehe. Katagal mo eh." sinamaan ko na lang ng tingin si Sander. Kain ng kain ng bawal sa kanya eh. Tumayo na ko at lumabas ng silid. Ako na lang yung magbubukas ng pinto para ako na lang din yung uubos ng pizza. Bwahahaha!!

Pagbaba ko ay agad kong binuksan yung pinto at napatigil na lamang ako sa pagsasalita dahil sa taong tumambad sa akin.

"Manon----S-STAN?!!" singhap ko.

"Jackie ayan na ba yung p--a-anak?" hindi ko namalayan na sumunod sa akin pababa ng hagdan si Sander kaya naman pareho kaming nagulat ng makita ang galit na galit na si Stanley.

"MAGSAMA KAYO!! MGA PUTANGINA NIYO!!"


to be continued...

Ang konti ng comments sa last update. :( Bawi kayo guys. 

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon