Chapter 11

78.3K 1.2K 66
                                    

Chapter 11

Napatulala lang ako sa mga nangyari. Ikaw ba naman fiancee mo daw si Stanley  at tapos nilaplap pa niya yung labi ko na akala mo walang bukas?! Naloka talaga ko dun ng bonggang bongga! Hindi kineri ng powers ko yun! Akala ko nga uubusin na niya lahat ng oxygen sa katawan ko eh. Hahabulin ko sana si Bea kasi alam ko na may something chuchu sila ni Stan pero sabay pa kong pinigilan nung mag-ama at iniharap sa kanila. Anobey?! 

Yayakapin na sana ko ni Sander kaso bigla ba namang pumagitna samin si Stanley? Siya tuloy yung nayakap nung tatay niya tapos ako naman nawala na sa moment.

"Nako! Kaya naman pala magaan loob ko sayo kasi ramdam ko na ikaw ang future daughter-in-law ko. Hahaha." sabay kindat sakin ni Sander. Hala! Kanina lang binobola bola ako nito ah?

"Sabi ng fiancee ko siya eh!" hinila ako ni Stan palayo kay Sander. Ano bang inaarte nitong Stanley na'to. Hindi pa ko makarecover sa ginawa niya eh!

"Napaka seloso naman nitong anak ko! Teka? Kailan nga pala ang kasal? Bakit ngayon mo lang ipinakilala si Jackie? Pano kayo nagkakilala?" woah! Andaming tanong?! Pano ko naman kaya iimbentuhan lahat ng sagot lahat ng tanong niya? Kailan kami ikakasal? Aba'y ngayon ko nga lang nalaman na ikakasal na pala ko eh! Bakit ngayon lang ako pinakilala? Wala na nga siyang balak na makita ako ipakilala pa kaya. Tss. Pano kami nagkakilala? Eh simple lang one night nagpunta ko sa bar niya at inalok siya ng lupa. Isasagot ko na sana yung mga nasa isip ko ng takpan bigla ni Stanley yung bibig ko.

"Malapit na. Pupunta nga dapat kami sa kanila ngayon eh saka ipapakilala ko siya dapat pag kasal na kami." sus. Kahusay gagawa ng kwento! Mukang bumenta naman kay padir kaya tumango lang at ngumiti sa amin.

"Kahit ngayon ko lang nakilala 'tong si Jackie eh boto ako. Mahusay kang pipili anak! Osige sabihin mo lang kung kailan mamanhikan ah?" anuraw?!! Sasabat sana ko kaso biglang umepal si Stan. Seryoso? Kasalan talaga? Yung totoo?!!

"Osige." matipid na sagot ni Stanley. Yun na yun? Ikakasal na ko agad agad? Wala man lang yung mga ekek na napapanood ko sa t.v?! Ano 'to PBB Teens?!!

"Ikaw Jackie tawagin mo na kong papa ah? Wag ng honey, darling or sweetie. Hahaha." tumawa lang ako at tumango ito namang si Stan hindi na naman maipinta yung mukha gusto ko na ngang maniwala na nagseselos siya eh. Nag wave na si Sander este papa samin at umalis na. Hay. Ang gaan talaga ng loob ko sa matandang yun. Sana siya na lang tatay ko edi sana masaya! Naiwan na kami ni Stanley na nakatayo doon. Magsasalita na sana ko kaso bigla na naman siyang umepal. Pwede ba patapusin niya muna ko?!!

"Oo. Pakakasalan na kita! Nakokonsensiya ko at saka baka mamaya ipa-salvage pa ko ng nanay mo!" defensive niyang sabi sa akin. Eh wala naman akong sinasabi ah? Anyway, siya mapapangasawa ko?! Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Gwapo, Macho, Bagets, Mayaman at Hot?!! Jackpot baby! Itong ito na yun! Pano kaya kung si Sander naman tapos si Mama?! Para na kaming nanalo ni motherhood nun sa Super duper mega ultra rampage lotto!

"Tara na sa inyo!" hindi pa man ako nakaka-oo hinila na niya ko sa braso. Kahilig lang maghahatak nito. Nakakasakit na puta! Sumakay kami sa kotse niya. Teka? Himala naman at hindi kami sa motor nakasakay?! May mamahalin na ngang motor mamahalin pa yung kotse. Madatung nga itey! Tiba-tiba naman ho ako dito!

Pagdating namin sa bahay eh kumatok ako ng tatlong beses sa pinto. Hindi naman kami nag-uusap kanina sa sasakyan basta ayun nga daw pakakasalan niya ko. Naisip ko lang ah? Bakit siya nagagalit na kasama ko yung papa niya? Diba sabi niya pagkatapos niya yung papa niya agad kasama ko. Eh bakit siya?!! Parang magkasama lang kami kagabi tapos mag ka-date na ngayon?!! Aba! Nautakan ako ng lalaking 'to ah! Di ko talaga naisip agad yun ah?! Masyado ata akong di makaget over sa happenings!

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon