Chapter 16

75.7K 1.1K 94
                                    

Nasa gilid pala official theme song ng The 13 Hell Shots.

Tinamaan Ako by Anne Curtis

Chapter 16

Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang naglalakad papunta sa opisina ni Brooke. Uy first time ko mag-aabroad ah?!! Ang galante lang talaga ni Papa eh! Honeymoon?!! Hindi pa ba honeymoon yung lagay na yun? Eh mas nauna pa nga yung honeymoon kesa sa kasal eh?!! Hahahaha. Teka?! Baka naman gagawa na ng baby yung ibig sabihin ni Papa?! OMG! Hindi pa ko handa! Mapapaatras na sana ako kaso nandito na ako sa tapat ng opisina ni Brooke. Ngumiti na lang ako bago kumatok kahit na medyo nag-aalangan ako.

"Haler!" bati ko agad kay Brooke at ginantihan naman niya ako ng ngiti.

"Oh? Masaya ka ata ngayon Jackie?" kumindat lang ako at inabot sa kanya yung envelop. Nagtataka naman niya itong binuksan at binasa.

"Mag take ka ng leave?" ngumiti lang ako at itinaas yung daliri ko para ipakita yung wedding ring ko. Agad naman siyang napatayo at hinawakan ito.

"OMG! Nagpakasal ka na sa DOM mo?!! Mahiya ka nga parang tatay mo na yun Jackie!" nag smirk lang ako at marahas na binawi yung kamay ko.

"Wala nga akong DOM! At 27 years old pa lang asawa ko! Baka gusto mong ipakita ko pa yung marriage certificate namin ha?!! Diyan ka na nga!" tinalikuran ko na siya at naglakad na palabas ng opisina niya. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon. Nainis kasi ako. Peste! Muka ba kong pokpok para pumatol sa DOM?!! Kung may isang tao lang akong naisipan ko talagang patulan ay si Sander. Duh!

Ayoko talagang may nakakasamaan ng loob sa barkada lalo na si Brooke kasi siya yung pinaka mabait. Yun nga lang masakit din naman na pti kaibigan mo hindi naniniwala sayo. Si mama at Sander na nga lang ata hindi humuhusga sa akin. Oo, minsan nagkaka banggaan kaming magkakabarkada pero nawawala din naman agad yun. Normal naman yun eh at mas madalas pa din kaming magdamayan kasi parang magkakapatid na din kami. Naka-receive ako ng text kay Brooke saying sorry pero hindi na ko nagreply dahil kailangan ko na ding i-off ang cellphone ko. Magpapamiss na lang muna ko ng ilang araw.

Nagpunta na ko sa airport kung saan  naghihintay si Stan. Eh bakit ang hot niya?!! Naka-shades pa si gago. Ayan pinagtitinginan tuloy siya ng mga malalanding babae sa paligid. Kainis ah! Imbes na smack lang yung pagbati ko sa kanya ay torrid ang ginawa ko. Nung humiwalay ako sa kanya nakita ko na umiwas na ng mga tingin yung mga babae. Ano sila ngayon? Nag smirk lang ako.

"Namiss mo naman agad ako?" nang aasar na tanong ni Stan.

"Ulol!" at naupo na ko. Humagalpak lang ng tawa si Stan at tumabi sa akin. After ilang minutes ay tinawag na din yung flight namin. Imbes na kabahan napansin ko pa yung mga stewardess na panay ang pacute dito sa asawa ko. Pasalamat sila at hindi sila pinapansin ni Stan.

Naglakad na kami ni Stan papuntang Tarmac at umakyat na sa eroplano. Doon ako naupo sa tabi ng bintana. Hindi naman halatang first timer ako no?! Hahaha. Sa buong biyahe natulog lang ako sa balikat ni Stan kasi naiinip ako ang nakakaasar lang laging nag-iistorbo itong malalanding stewardess na panay pagpapa cute kay Stan. Lahat na lang i-ooffer samin! Maski ketchup ha?!!

"Would you like a cup of coffee?" tanong nitong si stewardess sa amin este kay Stan lang pala. Umiling lang si Stan at isinandal na yung ulo niya sa ulo ko at ngumiti habang ako napangisi na lang dun sa babae. Buti nga! Tumayo ako at nagpaalam kay Stan na mag cr pero ang totoo sinundan ko lang yung stewardess nung nasa tapat na niya ako ay hinawakan ko siya sa braso.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon