Chapter 29

59.6K 942 78
                                    

Chapter 29

Jackie's POV

"Ma! Wag yang vase galing pang Puerto Azul yan!" heto na naman po kami ng magaling kong ina, akala na naman niya mayaman kaming dalawa kaya ganun na lang mambasag ng gamit. Grabe! Ang mahal kaya ng bayad ko sa vase na yun!

Inaawat ko si mama sa pagwawala niya kasi naman baka mamaya wala ng matira sa mga gamit namin no. Aba pangalawang beses na yata ako muntikan tamaan ng kaldero! Kakaloka lang! Lasing na naman ang bruha. Ang sama talaga ng tama ng alak sa kanya e. Bayolente! Hinila ko siya paupo dun sa sofa kahit na medyo nagpupumiglas pa siya. Anak ng! Broken hearted na naman 'to! Ang lakas naman ata ng tama niya dun sa ex-boyfriend niya way back kopong kopong days.

Pano kaya kung magkahiwalay din kami ni Stanley? I mean magkahiwalay ng 10-20 years at magkaroon kami ng kanya kanyang pamilya then bigla na lang kaming magkasalubong, ganoon pa din kaya yung nararamdaman ko sa kanya? Babalik kaya yung lahat? Tinanong ko si Sheila about dun kasi ganun nararanasan niya ngayon. Ang sabi niya mahirap. Nakakalito. Arghh! Bakit ko nga ba pinoproblema yun?

Hindi naman kami magkakahiwalay ni Stanley diba? Okay na kami. At wala ng problema.

"Mudrabels naman! Umayos ka nga! Ang tanda mo na para magka-ganyan!" sigaw ko sa kanya at napaupo na lang sa tabi niya. Nakakapanghina 'tong si mudra. Dinaig ko pa siya! Wala siyang kadala-dala eh. Ilang beses na ba siyang niloko? Hindi ko na mabilang! Ewan ko ba sa kanya kung bakit hindi napapagod yung puso niya na magmahal at masaktan. Ito yung pinaka-ayaw ko kay mama eh. Mahina siya pagdating sa pag-ibig. Madaling bumigay.

"Dapat ko na lang sigurong tanggapin na hindi talaga kami nakalaan sa isa't-isa. Hay" napa-ilag ako ng akala ko pupukpukin niya ko ng remote control. Naalala ko nagdugo ni Stan nung tamaan siya ng remote ni mama. Amp.

"Hay. Akala ko pa naman matatahimik ka na sa lovelife mo. Anyare?" tanong ko kay mama. Biglang lumungkot yung mukha niya at humarap sa akin.

"Hmm. Naisip ko lang anak, kung saan ka masaya doon ako." she smiled. Ang weird ha! Eew naman! Hindi samin bagay ni mudra yung ganitong ka-cheesyhan eh. Kaderder lang! Mas gusto ko pa yung nagbabangayan kami or nagkkwentuhan ng kabalahuraan. Hahaha.

Akala ko naman magiging okay na 'tong si mudra, aba nagwala na naman! Ano ba yan! Wag na talagang lalasingin 'tong nanay ko! Maghihirap kami pati ang hirap kaya magligpit ng mga basag na kasangkapan! Napatayo na lang ako ng hawakan na naman niya yung vase. Kalokaaaaa!! Naalala niya kasi na hindi dumalaw dito si Stanley baka daw nambabae na yun at iniwan na naman ako. Hahaha. Kung baliw man ang nanay ko pero mapagmahal at protective na nanay yan.

Pinagtatanggol ako niyan sa school noong elementary kada may mambubully sakin na bastarda or whatsoever na wala naman akong pakialam. Haha. Proud talaga ko dito kay mudrabels kahit puro kabaklaan ang alam. Cheesy!! 

"Hoy ma! Wag na yang kaldero pleaseeeee!" at tumakbo ako sa sala at nanlaki yung mga mata ko ng hinawakan naman niya yung T.V.

"Ma! Wag nyo ihahagis yang T.V di pa tapos hulugan yan! Nako wag yang vase uwi ko yan galing Puerto Azul!" sigaw ko pa. Mahal yun putangina!

"At nasan na yang magaling mong asawa ha?!! Aba'y hindi ka na binalikan dito?!! Puputulan ko talaga yun pag nakita ko! Babaugin ko!!" hala. Nakakatakot talaga 'tong si mama. Amazona! Magsasalita pa sana ko ng..

"Wait! Natatae ko! Ceasefire muna." napatigil kaming dalawa ni mama sa riot ng mag ring yung cellphone ko pati najejebs daw siya. Si Bianca! Lagi na lang talaga akong nililigtas ni Biancx. Teka? Madaling araw na ah? Bakit kaya gising pa siya?

"Oy Biancx napatawag ka?" tanong ko sa kanya na hinihingal pa dahil dun sa riot namin ni mama.

(Okay ka lang? Riot na naman kayo ng nanay mo?) tanong niya sa akin.

"Okay naman. Muntikan lang ako tamaan nung kaldero. Hahaha. Pano pinapahunting yung asawa ko. Malay ko ba kung asang lupalop yung gagong yun!" pero ang totoo nasa bar lang naman. Sorry darling at tinawag na naman kitang gago. Hahaha.

"Bakit ka napatawag? Haha. Dali nag c.r si Mudra ceasefire muna daw kami." aba anong oras na oh? Haha.

Nagulantang ako ng bonggang bongga dun sa kwento ni Bianca at sa gusto niyang mangyari. Hindi na makatiis at siya na lang ang gagawa ng paraan?!! Agad naman na tumunog yung bombilya sa utak ko. Haha. Basta talaga kalokohan ang bilis ko mag-isip. Oplan Lyndon-Bianca pala ah. May Plan A-Z ako sa kanya. Teka ilan nga ba alphabets? Hindi ba masyadong marami yun? Haha. Napatawa na lang ako sa mga binabalak ko.

"Don't worry Biancx. Yelo lang ang malamig." sabi ko kay Bianca then I hunged up. Naupo ako sa sofa kasi parang nakaramdam ako ng pagsakit ng tiyan ko. Hindi pa nga pala ko kumakain. Hmm. Busy kaya si Stanley ngayon? Parang gusto ko siyang makita ngayon eh. Hay. Parang naglalaway ako kay Stanley. Amp. Ano ba 'tong naiisip ko. I mean nag-ccrave ako kay Stan. AHHHHH!! Tangina! Ang pangit pa din pakinggan eh. Haha. Kakain na nga lang ako.

Hindi ko na lang ginambala si Stanley kasi naman alam kong dinadayo ng customers yung 13 Hell Shots sa bar and wala ako sa mood na pumunta sa madaming tao ngayon. Nagpunta na lang ako sa kitchen pero nung nakita ko yung food nawalan ako ng gana. Mabuti pa matutulog na lang ako since maaga pa kaming magkikita ni Bianca mamayang umaga. Doon na lang siguro ako babawi ng kain. Magpapalibre ako!!

***

Ang hirap bumangon! Tamad na tamad ako ngayon. Ano ba naman yan! Inabot ko yung cellphone ko and may 5 missed calls ako mula kay Stanley. Tulog mantika ko naman hindi ko narinig yung tawag niya. Miss ko pa naman siya. Huhu. Kailangan talaga makapag-date na kami. Dadaanan ko talaga mamaya after namin magkita ni Bianca. Ibibigay ko lang 'tong CD na matagal ng tambay dito sa condo. Kay mama talaga 'to eh. Hehe. Binasa ko muna yung text ni Stan. Hutangna! Ang sweet talaga ng darling ko eh. PBB Teens ang peg! Haha.

Pinilit ko ng bumangon at maligo baka sakaling sipagin ako. Haha. After kong maligo ay nagbihis lang ako ng white fitted shirt and skinny jeans. Imbes na high heels nag sandals lang ako. Virgin nga kasi ang peg ko ngayon. Hahaha. Medyo sinipag naman ako nung nakaligo ako kaso nga lang tinatamad akong kumain. May gusto akong kainin hindi ko lang alam. Si Stanley?! Hahaha. Leche!!

Nag-drive ako dun sa restaurant na pagkikitaan namin ni Bianca. Pagkarating ko nandoon na si Bianca. Agad akong humigop sa kape niya at isinubo yung pancake na nasa lamesa kaso muntikan ko ng mai-duwal yung pancake. Pucha! Bakit ba ganito lasa nito?!! Kadiri puta!! Nilulon ko na lang at uminon ng tubig. Yuck!! Ayoko talaga ng pancakes!! Paborito 'to ni Brooke eh.

Ayun nag-usap lang kami ni Bianca about dun sa plan, sana naman mag work. Haha. Binigay ko na sa kanya yung CD, nung una nalito pa siya pero inexplain ko naman sa kanya yung gagawin niya. Haha. Nag chikahan na lang kami then napagdesisyunan namin na mag shopping na lang mall. Buti na lang wala siyang kotse edi nahirapan pa kaming dalawa pag nagkataon. Haha. Nagpunta kami sa pinaka malapit na mall, halos puro sa kambal yung mga pinamimili niya. Grabe. Mahal na mahal talaga niya yung kambal kahit hindi naman niya tunay na mga anak yun. Tsk. Kung ako siguro yun, hindi ko matatanggap!

Mamaltratuhin ko sila! Ahaha. Pero joke lang.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng mag ring yung cellphone ko. Medyo nagtaka ko dun sa number pero sinagot ko pa din.

"Hello?"

Nanlaki na lang yung mga mata ko sa narinig ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napatulala na lang ako hanggang sa may mag pop sa utak ko.

to be continued...

Late update. COMMENT po. :) ramdam ko malapit na talaga matapos. Konti na lang. Hihi. Konting twist pa. Muaaa.

BonitaBabyy

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon