Chapter 32

62.6K 989 92
                                    

Chapter 32

Stanley's POV

Nagiging weird na si Jackie nitong mga huling araw, kung kailan naman magkasama na kami ulit sa bahay saka siya naging busy sa trabaho parang hindi naman niya ko namiss. Amp. Madalas ko nga siyang nilalambing pag-uwi pero nagrereklamo naman siya na inaantok daw siya. Nakakainis lang din kung minsan pero siyempre ayoko naman na mag-away kami ngayon.

Tulad ngayon Linggong linggo aalis para makipagkita sa mga kaibigan niya?! Hindi naman sa nagrereklamo ako pero ngayon na nga lang siya may vacant na oras tapos hindi pa niya sa akin ilalaan. Nakakainis na talaga! Siyempre dahil siya ang boss ako heto maiiwan lang sa condo namin. Ano namang gagawin ko dito?! Matutulog na naman mag-hapon? Kahapon nga buong araw lang ata akong tulog, ewan ko ba nagiging antukin ako sanay naman sana ko sa puyatan. Bakit ganun?

Pagka-alis ni Jackie tumayo na din ako sa kama para maligo. Sana naman agahan niya yung uwi ngayon. Tss. Siguro pupunta na lang ako ng grocery store, ipagluto ko kaya siya ng dinner? Hindi naman siguro kabadingan yun? Haha. Tama! Ipagluluto ko na lang siya nung pamatay kong Italian cuisine baka lalong ma-inlove sakin yun. Hahaha. Hindi naman ako basta bastang bartender lang siyempre nag-aral ako ng Culinary Arts at HRM sa ibang bansa, plano ko din kasi magkaroon ng sariling hotel.

Nag drive na ko sa pinaka malapit na PureGold at namili ng ingredients. Mahilig kaya siya dito? Hindi naman mapili sa pagkain si Jackie kaya magugustuhan niya 'to. Haha. Pumipito pa ko habang naglalakad tulak yung push cart ng mapahinto ako. Si Jackie? Anong ginagawa niya dito? Balak din ba niya akong ipagluto? Nagtago ako dun sa isang stand at pinanood lang siya habang busy siya sa pamimili. Iniwan ko na yung dala kong push cart at sinundan na lamang siya.

Hindi naman sa wala akong tiwala kay Jackie pero gusto ko lang siyang sundan. Nakakatuwa naman. Ito ba yung way niya para makabawi? Baka naman alibi lang niya yung magkikita sila ng mga kaibigan niya?! Naks! Nakakakilig naman pota! Oo tangina kinikilig ako! Nagtago lang ako hanggang sa makabayad siya sa cashier. Mabilis siyang naglakad papunta sa car park at nagmaneho na. Hindi ko alam pero gusto ko lang siyang sundan.

Nagtaka ako nung sa isang drug store siya huminto? May sakit ba siya? Wala naman siguro diba? Saglit lamang siya dun at sumakay na ulit sa kotse. Ano kaya yung binili niya doon? Bumaba ako ng kotse at nagpunta sa drug store.

"Ano pong bibilhin niyo Sir?" tanong nung babae na halatang nagpapa-cute sakin. Tss. Loyal 'to no!

"Yung kaninang babae dito? Yung maganda? Yung green eyes? Yung sexy ahm yung mukhang foreigner?" ganyan ko i-describe asawa ko. Haha.

"Ah? Yung kakabili lang po? Ano pong meron?" nagtatakang tanong nung babae.

"Ano yung binili niyang gamot? Ganun din ata yung gamot na kailangan ko eh." tumango lang yung babae.

"Nasaan po yung prescription niyo?" tanong sakin nung babae.

"Ha?" bakit kailangan pa ng prescription? Hindi ba gamot sa sakit ng ulo lang yun?

"Wala eh." sagot ko naman.

"Ay hindi po kayo makakabili nun hangga't walang reseta kasi gamot sa sakit sa puso yun eh. Bakit may sakit din kayo sa puso? Kabata niyo naman." hindi na ko nakinig pa sa mga sinasabi nung babae, naikuyom ko na lang yung mga kamao ko.

"Mga kaibigan pala ah. Alam ko na ngayon kung saan ka pupuntahan Jacques de Vera." tinitimpi ko lang yung galit ko pero punyeta kahit anong oras pwede akong sumabog sa galit at selos na nararamdaman ko!! Wala sana akong masamang masabi. Nakaka-putangina lang talaga!!!

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon