Chapter 20

66.4K 1K 117
                                    

Chapter 20

Kasalukuyan akong naglilipstick ng pumasok ng silid namin si Stanley, halatang nagtataka siya kung bakit ako nag-aayos ngayong gabi. Actually pupunta ako ngayon sa bar ni Ambrose. Magpapakasaya lang at magtatrabaho na din at the same time.

"Aalis ka?" nagtataka niyang tanong.

"Yep." sagot ko habang nakatingin sa reflection niya sa salamin. Kinuha ko naman yung mascara ko dahil parang kulang yung nilagay ko kanina. Haha.

"Gabi na aalis ka pa? At san naman punta mo niyan?" pinasadaan pa niya ng tingin ang suot kong black haltered dress at red stilettos.

"Rarampage lang ako. Kaya magpakasaya ka na diyan and please wag ka ngang magsalita diyan na parang nag-aalalang asawa. Like duh!" inirapan ko lang siya at nag-spray na ng pabango ko.

"Inaalala ka lang ikaw pa galit. Bahala ka nga." wala talagang pakialam sakin. Tss. Hindi man lang ako pinilit? Punyeta naman sa kamanhidan yan Stanley!! Arghh. Padabog ko na lang na kinuha yung bag ko at lumabas na ng silid. Ayoko din mag stay dito sa bahay hangga't hindi pa nakakaalis si Bea. Pwede umalis na siya now na?! Bakit kailangang bukas pa?!! Hindi tuloy kami makapag-bonding ni papa. Kainis ah! Siya na nga lang kasundo ko dito sa bahay dagdag mo pa ang biglang entrance ni Patricia dito. Haha. Speaking of the bakla chumorva siya kanina kasi may date daw sila ng kanyang papabols. Inggit naman daw ang beauty ko.

Pagkababa ko ng hagdan ay naabutan ko si papa na nakaupo sa sala habang nagkakape. Ngumiti ako sa kanya at umupo dun sa arm rest ng inuupuan niya. Ang landi lang no? Hahaha. Humalik ako sa pisngi niya at nagpaalam na aalis papunta dun sa kliyente ko. Ayun na naman yung reaction niya na hindi ko maipaliwanag.

"Magpahatid ka kaya kay Stan? Asan ba si Stan? Dapat hinahatid ka nun eh!" iritadong sabi ni papa. Ang weird lang ah! Di ko talaga magets eh.

"Ayun nagtampo ata ang mokong. Ano ka ba naman pa! Kering keri ko sarili ko no." infairness natatouch naman daw ako sa pag-aalala ni papa. Ano ba yan! Naiinlove ata ako kay Papa. Huhu. Naguguluhan ako. Bakit ang sweet at caring niya sakin. Ito yung mga bagay na hinahanap ko kay Stan. Bakit kay Papa ko pa natagpuan? Jackieeee! Utang na loob hindi ka pwedeng mainlove sa tatay ng asawa mo.

"Gusto mo bang ihatid na kita ha? Wala naman akong masyadong trabaho." hinawakan pa niya ang kamay ko at pinisil. Kalurks! Bakit ganito tibok ng puso ko Lord? Nagwawala! Kinikilig ako kay Sander. Hindi ko na kaya 'to eh. Huhuhu. Alam niyo yung dapat nakakaramdam ako ng pagka-ilang sa ganitong sitwasyon pero bakit naiinlove ata ako?!! It can't be!! Agad kong binawi ang kamay ko at ngumiti sa kanya.

"Ang OA mo naman Papa! Kaya ko na nga sarili ko. Safe ako dun. Uwi ako agad don't cha worry baby! Ciao!" I winked at him at naglakad na palabas ng pinto, isasara ko na sana ang pinto ng muling tawagin ni papa ang pangalan ko.

"Be safe darling" ngumiti ako ng nag flying kiss siya sa akin.

"I will." at nag wave na lang ako sa kanya bago tuluyang isara ang pinto.

Stanley's POV

 Tinatanong ng maayos tapos sasagutin ka ng pabalang?! Tss. Kakaiba talaga si Jackie. Humiga na lang ako sa kama namin habang pinapanood siyang mag-ayos ng sarili niya. Niyakap ko yung unan niya at inamoy amoy ito. Ang bango niya talaga. Tinignan ko siya simula ulo hanggang paa. Napaka sexy lang ng asawa ko. Napakagat na lang ako ng labi. Ilang araw a din kaming hindi nagsesex ni Jackie ah?! Lagi na lang kasi akong tinutulugan. Tss. Nang-aasar ata eh.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon