Chapter 7

82.2K 1.4K 172
                                    

RATED SPG

TEMA- SEXUAL - LENGGWAHE

Hayaan niyo sa July magiging legal age na din ako kaya pwede ko i-restrict yung 17 and below. :) Habang 17 pa lang din ako pwede pa. Basta be open minded! Grabe kayo baka idemanda na ko sa araw ng kaarawan ko.

NABURA KO YUNG ORIGINAL. TANGA KO TALAGA.


Jackie’s POV 

Dinala ako ni Stanley sa isang basement. Ito siguro yung nagsisilbing kwarto niya or dito na talaga siya sa mismong bar nakatira. Inihiga niya ako sa isang single bed at pumaibabaw sa akin ngunit nakatukod ang mga braso niya sa kama sa pagitan ng ulo ko. Ngumisi lamang siya at hinawi yung ilang hibla ng buhok ko sa mukha.

“Alam kong hindi ka lasing Jackie.” I rolled my eyes. Tumawa lamang siya at muli tinitigan niya ako ng husto sa aking mga mata. Grabe! Napalunok ako dahil sa mga titig niya. Para bang nagsasabi na halikan ko yung mga labi niya. Ayos na sana eh! Intimate na sana yung ambiance kaso bigla na lang ako nakaramdam ng di kaaya-ayang pakiramdam. Pinagpapawisan ako ng malamig.

Napansin ata ni Stan na sumama yung mukha ko kaya naman nagsalubong ang mga kilay niya. Ba yan! Sabi na talaga pang Gin lang ako eh.

“May problema ba?” hindi ko na kaya! Di ko naman ata matitiis pa ‘to. Hindi na ko mag-iinarte pa

 “Ahhm san ba yung C.R dito? Najejebs kasi ko eh.” sabay tulak ko sa kanya at bumaba na sa

kama. Napahiga naman siya doon sa kama na hindi pa ata makapaniwala doon sa mga sinabi ko.

"Huy asan na ba?! Tangna lalabas na talaga! Humihilab na tiyan ko!" yung totoo nag aalburoto na tiyan ko! Ito namang lalaki na'to eh napamaang lang or parang naaaliw pa ata ang itsura. Luminga-linga ako sa paligid at nakita yung isang pinto. Alangan namang bodega yun diba? Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa at tinakbo na yon habang sapo yung pwet ko. Magagawa ko eh lalabas na?!! Pagkapasok ko sa pinto sakto banyo nga!!

Pagka-upo ko sa toilet bowl ay siya namang paghagalpak ng tawa ni Stanley mula sa labas.

Stanley's POV

SHE'S IMPOSSIBLE! Hahaha. Hahalikan ko na sana siya eh kaso biglang?! WTF?! Najejebs daw siya?! Hahaha! Naiwan na lang akong mangiyak-ngiyak kakatawa dito sa kama habang hinihintay siyang lumabas ng banyo. Kakaiba talaga siya sa lahat ng babae na nakilala ko. Nakakaaliw siya. Tulad ngayon kahit na napaka-unlady ng mga ginagawa niya ay pinupukaw pa din niya ang pagnanasa ko. Masakit man sa part ko pero ano magagawa ko kalikasan na pala kaagaw ko kay Jackie. Hahaha.

Matapos ng ilang sandali ay lumabas na si Jackie sa pinto at sumandal sa dingding na animo may pinagdaanan.

"Success! Nanghina ako dun ah!" sabi pa niya habang hinihimas himas pa ang tiyan niya. Natawa na naman ako sa kanya kaso naisip ko lang sana sa ibang paraan na lang siya nanghina. Kinagat pa niya yung labi niya kaya naman nakapagpadagdag lang yun ng paghihirap ko ngayon. Shit!

"Naghugas ka ba naman ba ng kamay mo?" pabiro kong tanong sa kanya ngunit sinamaan lang niya ko ng tingin. Hahaha.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon