Chapter 13

78.8K 1.2K 92
                                    

STRIKTONG PATNUBAY AT GABAY NG MAGULANG ANG KAILANGAN.

Chapter 13

"Ayan ang ganda mo na Jackie!" kakatapos lang akong ayusan ni Patricia. Napailing na lang ako at ngumiti ng mapakla. Akala mo naman napaka espesyal ng araw na'to. Isang ordinaryong araw lang naman ito. Ang kasal ko. Walang bisita kahit na mga magulang namin. Si Patricia hindi rin kasama mamaya. Sabi na nga ba ikinahihiya talaga ako ni Stanley. Iniisip ko nga kung tama pa bang ituloy 'to. Unang-una ano ang dahilan niya para pakasalan ako? Pwede naman niya kong iwan katulad ng mga ginawa niya sa mga babae niya.

I don't get it! Natakot talaga siya sa pananakot ni mama? Ayaw niya na magkamabutihan kami ng ama niya dahil ang akala niya isa akong gold digger at oportunista?! Haha! Gusto kong tumawa ng sarkastiko. Kung yun lang din naman ang dahilan niya pwes gusto kong matawa. Nag buntong hininga na lang ako at tinignan ang sarili ko sa salamin. Ngayon ko lang ulit nakita yung sarili ko na ganito. Malungkot.

Bakit nga ba ko nalulungkot? Ni sa hinagap ay hindi ko naman pinangarap na magpakasal sa taong mahal ko. Isa lang naman ang gusto ko ang makaahon sa hirap at hindi na ulit danasin ang naranasan ko noong bata pa ako. Hinawakan ko yung mukha ko. Kahit na mahirap lang kami inaalagaan ni mama ang mukha ko ito lang daw yung tanging paraan kung paano kami makakaahon sa hirap. Ayoko ng maranasan ang magtrabaho sa club bilang waitress at mabastos! Ayoko ng makisabay sa mga kaibigan ko papasok at pauwi sa school dahil lang wala akong pamasahe at hindi kuripot! Ayoko ng mag boyfriend dahil sa mga binibigay nilang freebies para may makain! Somehow naiinis ako sa sarili ko. Kasalanan ko din naman kung bakit ganito na lang ang tingin ng mga tao sa akin. Isang gold digger, social climber at oportunista.

Sila kaya ang lumagay sa katayuan ko? Ano bang kaya mong gawin para lang matupad ang mga pangarap mo at hindi kayo magutom ng nanay mo?! Kasalanan 'to ng tatay ko! Kasalanan niya!

Hindi ko na namalayan na pinupunasan na pala ni Patricia ng tissue ang mukha ko. Umiiyak na pala ako. Sa likod ng mga ngiti ko ang babaeng puno ng insecurities sa katawan. Inagaw ko yung tissue kay Patricia at suminga ng malakas baka kasi mamaya ngongo na ako.

"Ano yan teh tears of joy?! Sayang make-up mo Revlon pa naman ginamit ko." tinignan ko lang ng masama si Pat ngunit tumawa din.

"Palibhasa kasi hindi beautician ang kailangan mo kundi magician. Hahaha!" nag walk out na lang si Patricia sa pang-aalaska ko. Tumingin ulit ako sa salamin at inayos yung make-up ko.

"Ikakasal ka lang naman Jackie. Ano naman kung hindi ka niya mahal? Ang mahalaga marami siyang pera at kaya niyang ibigay lahat sayo at sa mama mo." pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Tama. I-brainwash na lang ang sarili. Huminga ulit ako ng malalim at ngumiti na abot tenga. Ang ngiting matagal ko ng ginagamit sa harap ng maraming tao. Hindi ako si Jackie kung umiiyak ako.

“Pera pera lang yan.” pampalubag loob kong sabi sa sarili ko.

***

Bandang alas-seis ng gabi ng sunduin ako ni Stanley at nagpunta na sa mayor's office para matapos na ang kasal namin. Walang emosyon lang yung pagbibitaw namin ng mga salita sa harap ng mayor animo labag pa sa kalooban namin ang pagpapakasal na ito. At noong matapos na ang kasal at sinabing ganap na kaming mag-asawa ay dinampian lamang ako ng halik ni Stanley sa labi at kinamayan na ang mayor. Ngumiti na lang ako sa mayor at kinamayan ito. Nag kunwari akong masaya kahit nasasaktan ako! Yung mga kilos ni Stan noong mga nakaaraw araw ay nagdala sakin ng kalituhan ngunit ngayon sigurado na ko na pinoprotektahan lang niya ang kanyang ama sa isang katulad ko.

Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko na nagbabadyang umalpas sa mga mata ko. Ikinawit ko lang ang kamay ko sa braso ni Stanley at lumabas na ng mayor's office.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon