Chapter 2

93.6K 1.6K 294
                                    

RATED SPG!

TEMA-LENGGWAHE-SEXUAL

Chapter 2

“OMG ayan na naman siya! I’m outta here!” sabay irap sakin nung mukang hipon. Naupo na lang ako sa cubicle ko at as usual itinaas ko yung mga paa ko sa desk kahit pa nakapalda ako. Like hello?! Makikita lang nila pero di naman nila mahahawakan. Yan motto ko!

“Eto na naman ako maganda pa din. Di katulad nung iba diyan.” patay malisya kong sabi habang inaayos yung folders sa table ko.  Nakita ko na umismid yung si hipon pero nginitian ko lang.

“Di katulad ng iba diyan. Maganda naman simula ulo mukhang paa.” dagdag ko pa at tumayo na upang umalis.

“Hay nakakainis talaga siya!” rinig kong ngitngit na sabi ni hipon. Hahaha. Ikinembot ko na lang yung pwet ko at lumabas na ng opisina para naman makarami ng benta. Nang lupa!

Habang naglalakad ako eh nakasalubong ko yung ex ko na si Patrick o mas kilala sa tawag na Patricia! Oo! Putangina! Bakla ang punyeta! Grabe iyak ko nung sa harapan ko pa magladlad ang puta! Di ko talaga matanggap na pinagpalit ako tapos dun sa crush ko pa! Hutana talaga eh! Gustong gusto ko ng magpakamatay nung nalaman ko yung katotohanan. Kaya pala laging binabati yung pormahan ko nung college kami! Tapos ngayon magulat gulat na lang ako may boobs na siya! At mas malaki pa sa boobs ko ah! Naiiyak talaga ko pag naalala ko yung bigo kong pag-ibig.

“San naman ang rampa mo teh?” maarteng tanong sakin ni Patrick este Patricia pala.

“Rarampa. Hahanap ng papa!” sabi ko naman sa pinaarteng tono. Tinignan ko ang mahaderang bakla at letse! Mas maganda ang outfit sakin. Pati ang nguso namamaga sa pula ng lipstick. Hindi ko matanggap! Ex-boyfriend ko ‘to! Kaya pala di marunong humalik si gago.

“Sama naman akez diyan! Bet ko yan!” ang landi!!

“Hoy bakla! Wag mo nga ako inaagawan ng spotlight!” namewang ako sa harap niya sabay flip ng aking hair.

“Sus! Bitter ka pa din sakin teh? Wit kitang bet no! Gusto ko si papa Lyndon! Yung hot papabols ni Ma’am Bianca.” aba pinagnasaan pa yung asawa ng kaibigan ko?! Ako bitter?! OMG! Ang ganda ko lang kaya!

“Nonsense kang kausap! Makapagbenta na nga!”

“Ng?”

“Ng Lupa kasi!” angil ko sa kanya at nag walk out na.

***

Nandito ako ngayon sa isang bar sa gawing Malate. Hindi inuman ang habol ko dito at hindi para maglandi. Nandito ako kasi nalaman ko na madalas si Mr. De Vera dito. Yung matanda na yun nagbabar pa? Anakng! May asim pa si tatang! Madilim at maingay sa loob ng bar pero keri lang ng kaseksihan ko yun. Narinig ko yung mga bastos na lalaki na pumito ng dumaan ako sa gawi nila. 

“Hi boys!” mapang akit kong tawag sa kanila. Oh langya! Mga nauulol ang itsura. Kadiri!

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon