Chapter 25

65.7K 1K 126
                                    

Chapter 25

Nagising ako sa mga halik ni Stanley sa aking balikat. Napa-ungol na lang ako at tumalikod sa kanya. Nakakainis naman 'tong lalaking 'to walang kapaguran e. Haha. Kaninang madaling araw lang niya ko pinatulog tapos nanggigising na naman siya. Anakng! Hahaha. Itinaas ko pa yung kumot ko hanggang balikat at niyakap yung isang unan. Ang sarap matulog dito sa cottage niya eh. Walang aircon at bukas lang yung malalaking bintana, ang presko lang nung hangin na pumapasok sa buong cottage.

"Kain na tayo ng breakfast kasi." paglalambing pa ni Stanley habang hinahalikan naman yung batok ko. Ilang araw na din kami dito ni Stan ni hindi na nga ako nakapag-trabaho. Haha. Honeymoon na nga ata 'tong ginagawa namin eh. Haha. Medyo nakapag-usap na din naman kami ng maayos at seryoso. Napag-usapan na din namin yung feelings namin sa isa't-isa. Tae. Hindi nga bagay samin yung sweetness namin. Ang corny! Haha.

"Hoy Stanley." tawag ko sa kanya at naupo sa kama siya naman ay yumakap sa bewang ko at humiga sa lap ko.

"Maka-hoy naman sakin 'to akala mo hindi ako asawa. Halikan kita diyan ng malubay ka eh. Hahaha." pinitik ko lang siya sa noo.

"Gago. Hahaha." tawa ko pa.

"Gago naman 'to ng gago. Bakit gago ba ko? Di naman kita ginagago ah. Hahaha. Wag na tayo kasi magmurahan. Magmahalan na lang tayo." kumindat pa siya sa akin at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

"Ulol. Hahaha. Nagmamahalan naman tayo ah. Bakit ba? Gusto kitang tawaging Gago, Tarantado, Ulol at Hayup. Sweet diba? Hahaha." natahimik na lang ako ng hilahin niya ko sa batok at halikan ng mariin.

"Gusto ko Honey, Sweetie, Love and Baby. Ayos ba?" pinisil ko na lang siya sa ilong. Ang kulit lang talaga oo?!!

***

Ngayon na kami babalik ng Manila ni Stanley para ayusin yung kasal namin. Yes! Kasal nga! Haha. Pero bago muna yun kailangan muna naming ayusin yung kahayupan ni Ambrose. Kailangan masiguro namin na hindi na makakawala yung hayup na yun! Haha. Parang hindi ao nagtrabaho dito sa Puerto Azul e. Nagbakasyon! Haha. Napag-usapan namin ni Stan na uuwi muna ko kay motherhood then siya naman sa bar para asikasuhin yung pagbubukas ulit nito.

"Sige kita na lang later sa bahay ah." hinalikan ko siya sa lips at bumaba na ng kotse niya para pumasok sa condo building ni mama. Ano kaya ginagawa ni mama? Wag na sana niya kong batuhin at nahanap ko na yung asawa ko. Haha.

"Bye baby." nag dirty finger na lang ako sa kanya. Haha. Kung sa ibang couple flying kiss yung samin dirty finger naman. Hahaha. Ayos diba?

Naglakad na ko papasok ng condominium at pumasok na sa elevator. Madami akong pasalubong kay mama. Haha. Manunuhol ako baka mamaya hindi ko na maiwasan yung plantsa at tamaan pa ang maganda kong face. Haha. Pagpasok ko sa unit ni mama ay naabutan ko siyang nagluluto. Agad akong ngumiti sa kanya at aktong yayakapin siya ng bigla niyang hinawakan yung kaldero. Oh no! Napaatras naman ako. Kakaloka! Nako naibaba ko yung mga pasalubong. Ang bigat pa naman nung vase kong dala na uwi ko pa from resort.

"Hoy ma! Wag na yang kaldero pleaseeeee!" at tumakbo ako sa sala at nanlaki yung mga mata ko ng hinawakan naman niya yung T.V.

"Ma! Wag nyo ihahagis yang T.V di pa tapos hulugan yan! Nako wag yang vase uwi ko yan galing Puerto Azul!" sigaw ko pa. Mahal yun putangina!

"At nasan na yang magaling mong asawa ha?!! Nakita mo na ba yung gunggong na yun?!! Puputulan ko talaga yun pag nakita ko! Babaugin ko!!" hala. Nakakatakot talaga 'tong si mama. Amazona! Magsasalita pa sana ko ng..

"Wait! Natatae ko! Ceasefire muna." napahinga na lang ako ng maluwag ng tumakbo na siya papuntang banyo. Hay imbyerna naman oh. After few minutes lumabas na si mama at naupo sa tabi ko. Hawak niya yung cellphone niya at mukang may katext.

"Anlandi lang ah. Sino ba yang katext mo?" tanong ko pa kay mama.

"Yung ex boyfriend ko. Hihi. Mukang magkakabalikan kami. Grabe!! First love ko yun anak. Secret muna kung sino. Surprise ko sayo kung sino." napataas naman yung kilay ko. Ngayon ko lang nakita na ganito kasaya si mama. Sino naman kaya yun? First love pa?!! Binigay ko na lang yung pasalubong ko at umalis na baka kasi mamaya maalala na naman niya si Stan. Aba hindi ko ipapakita sa kanya asawa ko. Babaugin daw?!! Hahaha.

Naglakad na ko pababa ng condominium at ginamit yung kotse an regalo ko kay mama. Excited na kong makita si Sander este si Papa pala. I'm sure magiging masaya siya para sa akin.

***

Pagka-uwi ko sa bahay ay agad kong nakita si Sander este papa kaya naman napayakap ako sa kanya. Ang saya ko kasi eh! Hahaha. Shet! Bakit ba naisip kong nagkakagusto ako kay Sander na ang totoo ay mahal na mahal ko naman si Stanley?!! Haha. Ano ba yan! Nalilito yung feelings ko before kasi naman hindi ko alam kung ano yung pwesto ko kay Stanley pero ngayon alam ko na si Stan lang ang mahal ko.

"Madami akong kwento sayo! Alam mo ba nagkaaminan na kami ni Stan! Nakakatuwa no? Hindi na ko malulungkot at iiyak pa! Yieee. Masaya ka ba para sakin Papa?" niyakap ko ulit siya at niyakap din naman niya ko.

"I'm happy for you Jacques. Papa? Diba Sander ang tawag mo sakin?" napahiwalay ako sa yakap niya dahil mukang matamlay yung boses niya.

"May sakit ka ba? Siyempre naman no! Father-in-law kita! Haha. Ano ba dapat?! Ansaya ko talaga! Thank you sayo ng sobra." niyakap ko ulit siya at hinalikan siya sa pisngi. Nawala yung mga ngiti ko ng matipid lang siyang ngumiti. May sakit ba siya?

"Huy may sakit ka ba ha? Iniinom mo ba yung vitamins mo nung wala ako?" yeah. Ako kasi nag-aasikaso sa kanya lalo na nung kaming dalawa lang yung nasa mansion.

"Uhmm masama lang pakiramdam ko. Sige papasok na ko." hinalikan niya ako sa noo at umakyat na siya sa hagdan habang ako naman ay naiwan lang na nagtataka. Weird?

Sander's POV

"Pa!" nagulat ako ng makita ko si Stanley na masayang masayang yumakap sa akin.

"A-anak?!! Umuwi ka na sa wakas." yumakap din ako sa kanya at agad na humiwalay. Hinihintay ko si Jackie ngayon sa harap ng gate dahil ang sabi niya ay ngayon ang balik niya galing Puerto Azul. Namimiss ko na ang kaingayan ng babaeng yun. Hindi ko maiwasang mapangiting mag-isa pag naiisip ko siya. Hindi ko akalain na anak pa pala siya ni Alicia. Mayroon siya na kakaiba sa ina niya. Nakikita ko silang dalawa sa magkaibang pagkatao. Si Alicia? Nakakaaliw pa din siya tulad noon. At si Jackie? Mahal ko hindi lang bilang anak kundi pagmamahal ng isang lalaki sa babae. Alam kong mali pero noong umalis siya doon ko narealize. God. What I have done?

"Masaya ka ata?" tanong ko sa kanya. Son, patawarin mo ko kung minahal ko ang asawa mo. Kung pinahalagahan mo sana siya hindi ako mahuhulog ng ganito.

"Nagkita kami ni Jackie sa Puerto Azul. Dad! I love her! Bakit ngayon ko lang na-realize?!! Shet! Ngayon ko lang nalaman na mahal na mahal ko pala siya! Magpapakasal kami ulit" nabigla ako sa sinabi niya. Ano raw? Magpapakasal ulit sila at mahal niya si Jackie?!! Damn!

"Sige punta muna ko ng bar ah? Thanks Pa!" tinapik niya ko sa balikat at tumakbo na palabas. Damn it! Napaupo na lang ako sa sofa at napahilamos sa mukha ko.

Sa lahat ng babaeng mamahalin ko bakit si Jackie pa? Bakit sa asawa ng sarili kong anak? Bakit sa anak pa ng babaeng minahal ko noon?

to be continued...

 The 13 Hells Shots : EXTENDED due to public demands.

Paano kung sarili mong ama ang kaagaw mo sa isang babae? At paano kung sarili mong anak ang gusto ng lalaking minahal mo noon?


The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon