Chapter 9

75.2K 1.1K 78
                                    

Chapter 9


Napanganga lang ako sa lalaking nasa harap ko. Siya si Sander De Vera?!! I mean hindi ko akalain na halos carbon copy ni Stanley yung papa niya old version nga lang. To be fair ang gwapo at hot! Seryoso! Kahit na mukang may edad na bakas pa din yung matipunong katawan nito halatang alaga pa din niya yung kalusugan niya. Ito yung hanap ko ah?! Matandang mayamang gwapo at nakakabuntis pa?!! Leche! Kaya ako nasasabihang mahilig sa DOM kakaisip ko ng ganito.


Ngumiti lang ako sa kanya ng matamis gayon din siya. Lumapit siya sa akin at hinalikan yung kamay ko. Ang sweet naman at gentleman! Carbon copy nga siguro siya ni Stan pero I think malaki pagkakaiba nila sa ugali. Mukang palikero din 'tong si Mr. Sander.


"What can I do for you beautiful young lady?" lalong lumawak yung ngiti ko ng kindatan niya ko. Nakakatuwa naman 'tong matandang 'to. Hihi. Aha! Ang landi ng tawa ko parang kanina lang umiiyak ako.


"I'm Jacques Dimaguiba from Crisostomo Real State Corporation Sir. You can call me Jackie for short." sabi ko at ngumiti sa kanya. Iginiya niya ko paupo sa swivel chair at siya naman ay naupo sa isa pang swivel chair kaharap ko.


"Hindi ko akalain na magaganda pala ang mga ahente ng Crisostomo Real State." tumawa lang ako sa pambobola niya.


"Sus! Ang bolero niyo naman Sir! Di naman masyado! Katunayan ako lang yung magandang empleyado ng Real State. Nakakahiya nga eh. Hahaha!" agad kong naitikom yung bibig ko ng mapansin ko na para na naman akong armalite kung dumaldal pero nagulat lang ako ng humalakhak siya. Grabedads! Ang bagets niya!


"Hahaha! Nakakaaliw ka naman! May naaalala ako sayo. Sa tingin ko nga ay ikaw lang ang maganda sa kompanya ninyo." muli ay kinindatan niya ko. Natutuwa ako sa lalaking 'to.


"Bolero niyo naman Sir! Pero seryoso totoo yang sinasabi niyo! Hahahaha!" ayan bumangka na naman ako sa mga nagiging kliyente ko kasi naman nakakatuwa makipag-usap sa mga taong interesado talaga sayo hindi katulad ni Stan. Hmp.


"Wag mo na kong tawaging Sir pakiramdam ko tuloy ang tanda ko na. Nasa mid 50's pa lang naman ako at tingin mo ba ganun na edad ko?" mabilis akong umiling. Katunayan mukang napakabata pa nito sa itsura na'to kung hindi nga lang sa mga puti nitong buhok. Hot talaga siya! Katulad ni Stan matangos din ang ilong nito at may Spanish features. I never thought na magiging interesado ako ng ganito sa isang lalaking halos ama ko na.


"Sige. Ano naman kaya ang itatawag ko sayo?" hamon ko sa kanya.


"Darling? Honey? They call me Sander but you can call me tonight." natawa na naman ako sa kapilyuhan niya. Hindi ako makapaniwala na ito talaga ang tatay ni Stanley!!


"I'll call you tonight pero tungkol sa deal. Sander?" I said at ako naman ang kumindat sa kanya.


"No! Kung gusto mo pag-usapan natin yan habang naglalunch? What do you think?" tanong nito at dumukwang sa table na ikinagulat ko pero ngumiti lang ulit ako ng matamis.


"Hmmm? Baka magalit ang asawa mo at ang anak mo?" pilya kong tanong sa kanya.


The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon