Chapter 1

128K 1.7K 187
                                    

RATED SPG po ang THE 13 HELL SHOTS

TEMA- LENGGWAHE - SEXUAL

 

*1 year earlier (Kakabalik lang ni Brooke ng makidnap, Hindi pa okay sina Bianca at Lyndon, Masungit pa si Sheila)

Chapter  1

Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa annual meeting ng department namin at titignan ba kung naging mabenta kami ngayong buwan na'to. Siyempre ako na naman panigurado ang employee of the month dahil sa galing kong magbebenta. Hindi ng laman ah kundi ng mga bahay at lupa. Hahaha. Pumasok na ko sa loob ng opisina at naupo na sa pwesto ko.

Inirapan lang ako ng matandang dalaga kong boss. Sus. Palibhasa ang ganda at sexy ko. Diyosa ko sa kagandahan eh kinulang lang sa datung. Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinalobo yung chewing gum ko at pinaputok ito. Itinaas ko yung mga paa ko sa lamesa at sumandal sa upuan ko. Ang boring lang ng mga ganitong kaartehan. Nakakaimbyerna!

"Ms. Dimaguiba bakit hindi ka na naman naka-uniform?!!" angil ni gurang pero hindi ko lang pinansin.

"I'm talking to you Ms. Dimaguiba!" tinignan ko lang siya na tinatamad. Kaingay ingay!

"Ma'am ano akala niyo sakin estudyante at dapat mag-uniform? Kainit init kaya! Saka di nila maappreciate yung sexy body ko pag tinago ko sa balot na balot ninyong uniform. Make sense Ma'am! Duh!" maarte ko pang iniirap yung mga mata ko sa kanya. Hahaha. Kapangit niya kasi lalo pag nagagalit akala mo constipated eh.

"Bastos talaga. Simulan na nga ang meeting!" sigaw niya sa lahat at naupo na sa pwesto niya.

"As you can see mas lalong tumaas ang sales natin ngayong buwan. Thanks to Ms. Dimaguiba katulad noong isang buwan siya na naman ay may pinakamalaking naipasok na investment sa kompanya. Let's give her a round of applause." tumayo ako at kumaway kuway pero puta! Wala man lang pumalakpak?! Peste! Napahiya beauty ko dun ah.

"OMG! Kaya lang naman mataas investments niya kasi pinapatulan niya yung mga matatandang kliyente. Like Eeew!" sumama yung tingin ko sa mukhang sugpong babae na kasamahan ko sa trabaho.

"True yan sister! Napaka low breeding talaga. Ginagamit pa yung katawan sa trabaho. Ano akala niya sa kompanya prostitution?!!" aba mga punyeta ng mga 'to ah. Nagbulungan pa eh rinig na rinig ko naman ang mga putangina. Ngumiti ako sa kanila ng nakakaloko at tumayo.

Natahimik yung lahat sa pag-uusap noong tumayo ako sa kinauupuan ko at walang kibong lumapit sa dalawang sugpong walang galang na pag-usapan ako. Nagtataka sila ng lumapit ako sa kanila pero ngumiti lang ako at walang kaabog-abog na hinawakan sila magkabilaang ulo at pinag-untog yung mga ulo nila. Pinagpag ko yung kamay ko pagkabitaw ko sa kanila.

"OUCHHHHH!! ANG SAKITTT!"

"DAMN YOU JACKIE!!"

"PUTANGINA MO DIN!" sarkastiko kong sabi sa kanya.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon