Chapter 6

76.1K 1.2K 91
                                    

Chapter 6

Stanley's POV

Ngumisi na lang ako at sinimulang haluin yung mga inumin. Hitting two birds in one stone. Una hindi na niya ko kukulitin tungkol sa lupa at pangalawa malalaman ko na din kung anong meron sa pagkatao niya, nacucurious ako sa kanya eh. Hindi ako naniniwalang virgin pa siya. Asa namang maniniwala kasi ang mga tao. May condom pa nga siyang nalalaman eh.

Tinignan ko siya ng mataman sa kanyang mga mata. Napakaganda talaga. Animo nakakahipnotismo. Mas lalo pang naging berde ang mga mata niya dahil marahil sa inis na nararamdaman niya ngayon. Ngumiti lang ako at inihilera na sa harap niya ang 13 Hell Shots. Nakita kong nag smirk lang siya at tumawa.

"Eto na ba yung 13 Hell Shots na sinasabi mo? Eh mukang juice lang 'tong iba ah." sabi niya at sinuri ng maigi yung mga inumin na nasa harapan niya ngayon.

"Sabi nga nila don't deceive by the looks." sabi ko. Kahit na parang juice lang yung iba sa mga inumin na'to ay natatago naman ang tapang nito.

"Hindi mo pwedeng husgahan ang isang bagay hangga't hindi mo pa 'to lubos na nakikilala."

Tama ba yung nakita ko? Bahagyang dinaanan ng lungkot yung mga mata niya? Hindi ako sigurado dahil bumalik na naman sa masigla ang kulay ng mga mata niya. Ang mga matang hindi mo maiiwasang tignan. Doon mo kasi nababasa yung nararamdaman niya. Madalas nakangiti din ang mga mata niya.

Hindi ko na lang pinansin iyon at tinawag na yung mga tao sa paligid para manood sa laro. Sana bumenta. Siya ang kauna-unahang susubok nitong The 13 Hell Shots kaya naman kailangan madami ang makapanood.

GAME!

Jackie's POV

"Hindi mo pwedeng husgahan ang isang bagay hangga't hindi mo pa 'to lubos na nakikilala." nag smirk lang ako sa sinabi niya at bahagyang nakaramdam ng lungkot. Ewan ko ba kung ano inaarte ko pero naisip ko lang yung mga pesteng tao na nag-ddown sa akin lalo na yung mga taong inaakusahan akong prostitute dahil madalas kong kasama ay mga DOM. Diba pwedeng kliyente ko muna sila?! Hindi pa kasi nila ko kilala. Hindi nila alam kung anong nararamdaman ko. Hindi nila alam kung may pinagdadaanan din ako. Sa likod ng mga ngiti ko may isang parte din ang umiiyak. Ah peste!

"Simulan na natin!" sigaw ko at hinawakan ko na yung 1st shot. Napansin ko na dumami yung mga tao sa paligid at pinapanood ako. Nakahalukipkip lang si Stanley at nakangisi.

"1st shot. Margarita!" he said. Nagsigawan yung mga tao at napailing na lang ako. Agad kong inisang lagok yung Margarita. Sus Margarita lang pala. Yakang-yaka!

"2nd shot. Grasshopper." anong inumin naman yun?! Watta name huh?!! Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa at ininom na iyon. Okay pa naman ako. Hindi pa naman ako nahihilo. Narinig ko na naman yung hiyawan ng mga tao at yung iba ay nagpupustahan pa. Sus! Kung alam lang din nila na pustahan din 'to kaya ginagawa ko 'to.

"3rd shot. Black Russian."

"4th shot. Gladiator."

"5th shot. Bloody Mary."

"6th shot. Mojito." putangina! Muka lang palang masasarap 'tong mga 'to pero pandigmaan pala ang lasa! Okay pa ko kanina pero kung kelan nangangalahati na ko saka pa ko nakaramdam ng hilo. Grabe! Akala mo nililiyaban yung lalamunan ko sa init.

"7th shot. Gin and Tonic." hindi na ko umarte pa at muli agad ko na naman ininom ito. Gumuguhit yung gin sa sikmura ko. Tangina! Wala man lang bang pulutan 'to?!! I mean kahit 1 minute break man lang?!

"8th shot. Hot Buttered Rum" ah! Putangina bakit ganito lasa nito? Medyo nagbblurred na yung paningin ko pero kakayanin pa naman. Pang walo pa lang 'to?!

"Kaya pa?" tanong niya.

"Ano akala mo sakin? Kaya pa!" I hissed at nilagok ko na agad yung pang siyam na shot glass.

"9th shot. That was Screw Gin Fizz " whatever! kung ano man tawag sa alak na'to.

"10th shot. ’57 Chevy" lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. Konti na lang ho! Parang wala na nga akong panlasa atsaka nahihilo pa lang naman ako. Nakakapag-isip pa naman ako kahit papano.

"11th shot . Martini" Puta! Konti na lang talaga Jackie. Huminga muna ko ng malalim bago ininom yung 11th shot. Tama ba ko ng bilang? Sinulyapan ko si Stanley at nakangiti siya sa akin. Akala ba niya panalo na siya? Psh. Kaya pa kitang landiin.

"12th shot. Strawberry Daiquiri." aba naman! Ininom ko na. Isa lang ho! Tangina this! Medyo masarap naman yung lasa nitong strawberry chuchu. Medyo nahihilo pa lang ako eh mag 13th shot na. Bwahahaha! Ako pa hinamon nitong Stanley na 'to eh kada mapapadaan ako sa kanto namin eh napapatagay ako nung mga lasenggo sa amin. Hahaha! Bopols ang puta!

"And the last and 13th shot. The Sex on the Beach." ohhh! I love the name! Magkukunwari nga akong lasing tignan ko lang kung rereypin ako ni gago. Inisang lagok ko na yung 13th fvkin shot na yun at itinaas yung kamay ko. Medyo nahilo lang ako pero sinasabi ko talaga hindi na ko uulit! Sinasabi ko lang talaga!

Agad akong nagkunwaring kumapit sa counter at hinawakan yung ulo ko na kunwaring nahihilo. Agad na lumabas ng counter si Stanley at inalalayan ako sa bewang. Bahagya akong nakaramdam ng kuryente sa pagkakadikit ng mga balat namin. Inilapit niya yung bibig niya sa tenga ko at bumulong.

"Mawawala yang kalasingan mo mamaya sa performance ko." buti na lamang at nakasandal yung mukha ko sa dibdib niya. Tumaas yung balahibo ko sa batok at tangina bakit na-eexcite ako?! Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Hala?! Virgin pa ko!! Pero parang gusto ko din. Haler ang hot kaya niya! Titig pa lang mabubuntis na ko eh.

Bahala na?!

to be continued...

Sa mga nagtatanong if saang chapters makikita si Stanley sa previous books. Eto po:

BOOK 2: Chapter 15

BOOK 3: Chapter 18

Nagbigay na ko ng clue dun eh.


-----> THE 13 HELL SHOTS


 VOTE. COMMENT. RECOMMEND

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon