Chapter 12

77.1K 1.2K 106
                                    

Chapter 12

Napatayo naman ako ng hindi sinasadya sa sinabi nitong si Patricia. Haler? Anong eksena naman 'tong ginagawa ni Stanley? Umaarteng feeling fiancee talaga?! Ako naman 'tong feel na feel at nag flip pa ng hair sa mga kasamahan ko sa trabaho. Mamatay sila sa inggit! Hot papa kaya fiancee ko! Hahaha.

"Excuse me lang ha. Yung FIANCEE ko nasa lounge kanina pa ata ako hinihintay." maarte kong sabi at natuwa ako ng umirap yung mga inggitera kong mga kasama. Si Patricia naman ganun din kaya inismiran ko na lang. Agad akong kumaripas ng takbo papunta dun sa lounge. Seryoso?! Andito si Stanley? But why?! Agad kong nakita si Stan na nakaupo dun sa couch. Shit! Kahit halatang bored na bored siya ang gwapo pa din talaga niya. Wala bang side na pangit ang lalaking 'to?! Lumapit ako sa kanya at tumikhim para maramdaman naman niya yung presence ng beauty ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Hindi ko pinahalatang excited ako na makita siya nakakahiya eh kaya medyo pinormalan ko yung boses ko kahit na hindi naman bagay sakin. Inabot niya sakin yung isang envelope kaya naman binuksan ko ito napaangat naman agad yung mukha ko sa kanya.

"Marriage Contract?!! Agad? Agad?" tanong ko sa kanya. Eh nakakaloka naman oh!

"Si Papa ang atat 'no. Andyan na din yung kontrata dun sa deal natin pati yung sa kanya. Ganyan talaga si Papa mabilis mag desisyon. Ewan ko nga ba dun hindi ka pa naman masyadong kilala pero gustong gusto ka na." ano na naman ba gusto nitong palabasin? Na oportunista ako? Gold digger? Ano ang ibig sabihin niya sa hindi pa niya ko kilala? Nakakainis! Bakit ba napaka judgmental ng taong 'to?! Nakakasakit na ah! Huminga na lang ako ng malalim at ngumiti kahit na naluluha na naman ako. Peste!

"Bakit naman? Ganyan talaga mabilis silang mabighani sa charm ko." kinindatan ko lang siya.

"Yun oh! Madami na naman akong datung nito! Thank you ha! Isang gabi lang madami na kong pera plus nasiyahan pa ko." mabilis na dumaan sa mga mata niya ang galit at hinaklit ako sa braso.

"Sa oras na maikasal tayo Jackie ayokong ayoko na may kliyente kang lalaki at papayag sa mga gusto nila para makabenta ka lang ng lupa ah?!" umismid lang ako at tinignan ko siya ng masama.

"At bakit naman?! Ikakasal lang tayo pero hindi naman natin gusto ang isa't-isa. Concern ka?!" I hissed.

"OO! Ayoko sa lahat yung mababastos ka naiintindihan mo?!" napanganga na lang ako sa sinabi ni Stanley at iniwan niya kong nganga. Mabilis ko naman siyang hinabol at pinigil sa braso. Naramdaman ko yung pagrelax niya at huminga siya ng malalim.

"Ayusin na natin ang kasal. Okay na yung marriage contract. Gawin na lang nating simple. Nakausap ko na yung mayor mag set na lang tayo ng date." seryoso nitong sabi.

"Napipilitan ka lang diba na pakasalan ako dahil kay mama? Si Beatrice naman talaga diba?" alam ko namang torture lang 'tong ginagawa ko eh! Bakit pa kasi ako nagtatanong? Pakakasalan na nga ako! 

"Dahil may isang salita ako Jackie." tumingin siya sa relos niya at tinignan ako.

"Kumain ka na ba?" umiling lang ako. Nawalan ata ako ng energy eh. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung bakit nga ba namin kailangan magpakasal. Wala naman siguro kaming mabubuo diba? Imposible. Isang gabi lang yun eh. Tumango na lang ako ng ayain niya kong kumain ng lunch at para mapag-usapan na din namin yung kasal.

Kumain lang kami sa isang simpleng restaurant hindi naman kasi ako sanay sa mga sosyalang kainan. Kahit nga diyan lang sa turo-turo pwede na ko eh! Dahil nga madatung 'tong jowawa ko ay solve solve ang tsibugan! Ahahaha. Nagtext si mama at pinapaunta niya ko sa lola ko na si Lola Loleng. Actually lola ni mama yun eh. Isasama ko na lang 'tong si Stanley para naman makilala din niya. Wag naman niya sanang haharassin at mahilig pa naman yun! After namin kumain ni Stanley ay inaya ko lang siya kay Lola Loleng. Nagtaka nga siya kasi nakalabas na kami ng SLEX at lahat lahat pero di pa din kami nakakarating sa pupuntahan namin. Si Lola Loleng kasi may sa mangkukulam yun eh.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon