Chapter 30

60.9K 895 59
                                    

Chapter 30

Jackie's POV

Nagmamadali akong nagpaalam kay Bianca at sumakay na sa kotse ko. Pinaharurot ko yung kotse ko papunta dun sa hospital na sinabi sa akin nung katiwala sa mansion. Goodness!! Sana naman okay lang si Papa. Nagulat na lamang ako kanina nung tumawag yung katulong sakin at sinabing sinugod daw sa hospital si Papa. Tinawagan na kaya niya si Stanley? Alam kong may maling ginawa si Papa pero sana naman huwag niyang tiisin yung sarili niyang ama.

Agad akong nagtungo dun sa room ni Papa at sinalubong ako nung katulong. Bongga nung hospital room ni Papa. Presidential Suite! Haha. Hindi 'to yung panahon para kwentahin ko pa yung gagastusin dito. Napabuntong hininga ako ng makita ko siyang nakahiga sa hospital bed at may nakalagay na oxygen sa ilong niya. May mga monitor at kung anu-ano pa ang nakakabit sa katawan niya. Halos mapaiyak ako ng lapitan ko siya at hawakan yung kamay niya. Napatayo ako ng dumating yung doctor kaya naman pinahid ko agad ang mga luha ko.

"Ikaw ba ang anak ni Mr. De Vera?" tanong sa akin ng doctor. Agad akong umiling.

"Manugang niya po ako. Ano po bang nangyari sa kanya?" tanong ko sa doctor habang hindi pa din binibitawan ang kamay ni Papa.

"Nagkaroon siya ng chest pain dahil sa kanyang Coronary Heart Disease at hanggang ngayon under observation pa siya. Buti na lamang at naisugod agad siya sa hospital." nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng doctor.

"Huwag na lang muna siyang ma-eexpose sa kahit anong strenous activities and yung diet and lifestyle niya dapat ma-monitor. Bawal sa kanya ang masyadong ma-stress." tumango lang ako sa doctor at nagpasalamat. Naupo ako dun sa silya na katabi nung hinihigan ni Papa at pinisil yung kamay niya.

Alam ko naman na may pagkakamali si Papa lalo na dun sa nararamdaman niya sa akin pero bago ang lahat father-in-law ko siya at tinuturing ko siyang isang mabuting kaibigan na laging nariyan para pasayahin ako sa tuwing nalulungkot ako. Alam kong kailangan niya ako ngayon. Sana maging okay na siya, wala pa namang nag-aalaga sa kanya ngayon. Ang sama ko para iwan siya.

"Ma'am uuwi na po muna ko para kumuha ng damit ni Sir." paalam sa akin ng katulong namin.

"Teka Manang, natawagan niyo na po ba si Stanley?" tanong ko kay Manang na napatingin naman sa kamay ko na nakahawak pa din sa kamay ni Papa. Agad ko namang inalis yung kamay ko at tuluyan na siyang hinarap.

"Ahmm. Opo kaso nagalit lang po sakin eh. Wala daw po siyang pakialam." nakayukong sabi ni Manang. Nanlaki naman yung mga mata ko sa sinabi niya. Totoo bang sinabi ni Stanley yun?!! Ganoon siya kagalit sa ama niya?!! Goodness! Pero ama niya pa din si Sander! Tumango na lang ako kay Manang at pinauwi na siya ng mansion. Ako na lang muna siguro yung mag-aasikaso kay Papa.

***

Stanley's POV

Psh. Ano naman kung ma-hospital siya? Umaarte lang yun panigurado para puntahan siya ni Jackie! Tss. Akala naman niya maloloko niya ko. Nasan kaya si Jackie ngayon? Ano ba namang buhay 'to. Mag-asawa nga kami magka-iba naman kami ng bahay! Makabili nga ng condo sa kompanya na pinapasukan ni Jackie para naman may matirhan na kami. Miss na miss ko na yung mga kabaliwan, kaingayan at kakulitan ng darling ko eh.

Tatawagan ko na sana siya para ayain na mag-date then sakto naman na siya yung tumatawag. Sabi na nga ba namiss din ako nito eh.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsWhere stories live. Discover now