Chapter 21

65.1K 1K 183
                                    

Chapter 21

"May problema ba?" tanong sa akin ni Stan habang sinusuot niya yung pantalon niya. Wild night kami kagabi eh umuwi kasi akong lasing. Haha. Dahil masakit pa ang ulo ko ay nakasandal lang ako sa headboard ng kama namin at naninigarilyo.

"Jackie tigilan mo na nga yang paninigarilyo." sabay agaw niya sa sigarilyo ko at tinapakan ito. Inirapan ko lang siya at humiga wala akong pakialam kung mahantad man sa kanya ang katawan ko.

"Aalis muna ko ihahatid ko si Beatrice sa apartment niya." hinalikan niya ko sa labi at sinuot na ang t-shirt niya. Napahinga na lang ako ng malalim at humiga sa kama.

Kung ibigay ko kaya kay Ambrose ang 13 Hell Shots para naman makaganti ako kay Stan sa lahat ng sakit na binigay niya sakin?!! Ah hindi! Hindi naman ako ganun kasama at isa pa si Stan ang nagpakahirap noon at naalala ko na gusto niya ng isang bagay na babalik-balikan ng kanyang customers. May iba pa naman sigurong paraan diba? Maaari ko naman sigurong pakiusapan si Ambrose na ibang bagay na lamang ang hingin niya sa akin. Damn! Hindi naman ako ganito sa mga kliyente ko dati. Bakit simula ng makilala ko ang mga baristang yun ay nagulo na sistema at stategy ko bilang isang agent?!!

Kung tutuusin nga ay hindi ko naman kailangan iyon. Ako pa nga ang nilalapitan ng mga kliyente kung minsan eh! Nakakainis lang! Ano naman kaya pwede kong gawing deal kay Ambrose? Katawan ko? NO WAY! Ahahaha. Tumayo na ko at nagpunta na din sa banyo upang maligo pupuntahan ko ulit si Ambrose.

Pagkaligo ko ay nagbihis lang ako ng isang white backless top at skinny jeans isama pa yung black gladiator shoes ko. Natagpuan ko na lang yung sarili ko na nasa mini bar ni Stanley. Nag-aalangan pa kong buksan yung drawer sa likod ng counter pero nanlaki yung mga mata ko ng makita yung isang folder na may nakalagay na 'The 13 Hell Shots' sa harapan nito. Agad akong luminga sa paligid ko at mabilis na inihalo sa mga folders kong dala. Ano ba 'tong ginagawa mo Jackie?!! Tinatraydor mo ang asawa mo! Pero naman kasi dahil sa 13 Hell Shots lang na'to ay napaka-laking pera na ang katumbas?!! My goodness!

Pababa na ko ng hagdan ng mapasigaw ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni papa mula sa likuran ko. Halata bang may ginagawa akong krimen?!! Nakakaloka ah!

"Aalis ka Jackie?" tanong ni papa na nagtataka.

"Oo sana papa. Malapit ko ng makuha yung deal mula kay Ambrose Tan. Ang galing ko no?" medyo nag-aalangan pa kong ngumiti pero seryoso pa din ang mukha ni papa.

"Makikipag-deal na siya agad? Wala man lang siyang hiningi sayo? Nakakapagtaka naman ata?" kilala ba ni papa si Ambrose? Pano niyang nalaman na may hinihingi sa akin si Ambrose?

"W-wala naman. Kilala mo siya pa?" tanong ko sa kanya habang mahigpit na yakap yakap yung folders ko.

"Hindi naman. Iba kasi siyang makipag-deal. Ihatid na kita gusto mo?" alok sa akin ni papa. Hindi pwede! Edi nalaman niya na binibigay ko sa iba yung 13 Hell Shots ni Stan. Alam kong kamumuhian ako ni Stan pero makikipag deal naman ako kaya sasabihin ko na lang na huwag ipapaalam na ako yung may sala. Hala! Hindi ko na alam! Ang gusto ko lang naman makaganti dahil sa 13 Hell Shots na yun natuto akong magmahal at masaktan.

"True? Eh alam mo naman ako charismatic kaya hindi na niya kailangan yun. Sige na pa alis na ko. Promise pag nakuha ko yung deal na'to ililibre kita ng fishball!" kuripot eh. Hahaha. Humalik na ko sa pisngi niya.

"Tawagan mo ko kung may problema ah?" nag-aalala niyang tanong. Hinawakan ko lang siya sa pisngi at ngumiti.

"Wag ka ngang ganyan pa baka mainlove ako sayo." tumawa lang siya at hinalikan ang kamay ko. Tangina. Ito na naman yung weird na feeling. Tumango lang ako at umalis na.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon